Bayad sa one night stand ng sexy star sa DOM itinakbo ng reporter
Kuwento ito ng isang source na taga-showbiz din. Tinawagan minsan ng isang reporter ang talent manager na ang alaga ay puro magagandang sexy stars. May nakausap pala ito na isang superyamang DOM at magsisilbing bugaw ang reporter. Katuwang niya sa pagbubugaw ang talent manager na may matatanggap na komisyon gaya ng reporter.
Sa isang five star ang tatlo - manager, reporter na bugaw at ang seksing aktres na malaki ang singil para sa one-night stand sa DOM.
Pinapanhik na ang sexy star sa suite kung saan narun na ang DOM habang ang manager at reporter ay naghihintay lang sa coffee shop. Madaling araw na nang bumaba ang sexy star na waring pagod na pagod at inaming kung anu-ano ang pinagawa sa kanya ng matandang parukyano.
Naunang nagpaalam ang malasadong reporter at nagmamadali itong umalis ng hotel. Naiwan ang manager at ang alagang sexy star. Tinanong agad nito ang pera sa manager pero wala raw siyang natatanggap sa pag-aakalang sa kanya ibinigay ng DOM ang bayad. Wala ding natatanggap na pera ang sexy star. Yun pala ang 50,000 na ibabayad sa sexy star ay kinuha na ng malasadong reporter bago pa maikama ng DOM ang aktres.
Galit na galit daw ang dalawa.
Ngayon ay nagtatago na ang reporter sa kanilang probinsiya dahil sa itinakbo nitong pera.
* * *
Nailang pala si Jennylyn Mercado sa kissing scenes nila ni Dennis Trillo sa Gumapang Ka sa Lusak dahil kinunan pa sila nagpapagulung-gulong.
“Take one lang ang eksena kaya lang medyo kinabahan ako dahil four years na nang huli kaming magtambal sa Magdusa Ka,” say ni Jennylyn.
Nagagalingan si Direk Maryo J. kay Jennylyn pagdating sa pag-arte.
Ang Gumapang Ka Sa Lusak ay isang masterpiece ni Lino Brocka noong 90’s na humakot ng award. Ngayon ay nasa direksiyon ni Maryo J.
- Latest