^

PSN Showbiz

Jennylyn 'di magkandaugaga sa rami ng trabaho

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Andun ako sa Amoranto stadium when the Optical Media Board celebrated its anniversary via a sportsfest na isinabay na rin ang pagdurog sa napakaraming pirated tapes, CDs and DVDs na nakumpiska nila sa maraming raids na isinagawa nila sa pamumuno ng bagong chairman nila na si Ronnie Ricketts. Pinapupurihan si Ronnie dahil walang pirated tapes na lumabas habang tumatakbo ang Metro Manila Film Festival ’09.

Sa panahon ni Ronnie, nagkaroon ng theme song ang OMB na ginawa ni Dicoy sa tulong nina Astra at Dinky Doo. Gagamitin ito sa kanilang anti-piracy campaign at sa pag-ikot nila sa mga campuses. Magsasagawa rin siya ng fund-raising campaign sa pamamagitan ng mga basketball exhibitions para sa kapakanan ng industriya natin ng pelikula at musika, at maging ang OMB na kapus sa budget para maisagawa ang marami nitong proyekto.

* * *

Patuloy din si Aiza Seguerra sa pagpapalago ng kanyang karera at ng tipo ng kanyang musika. Si Aiza talaga ang isa sa maipagkakapuri at modelong musical artist natin dahil napalaganap na niya ang kanyang talento hindi lamang sa sarili niyang bansa kundi maging sa labas nito.

May Valentine shows siya sa SM Bacolod (Pebrero 12 ) at SM Cebu (Pebrero 13), parehong sa ganap na ika-7:30 ng gabi.                          

* * *

Hindi naman pala aalis ng GMA 7 si Jennylyn Mercado. Kinumpirma niya ito sa presscon ng Gumapang Ka sa Lusak.

Sinabi ni Jennylyn na walang offers at kung meron man, tatanggihan siguro niya dahil marami siyang projects sa GMA at hindi nga siya magkandaugaga. Isinasama na nga niya minsan sa set ang anak niya dahil madalas nami-miss niya ito.

AIZA SEGUERRA

DINKY DOO

GUMAPANG KA

JENNYLYN MERCADO

MAY VALENTINE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

OPTICAL MEDIA BOARD

PEBRERO

RONNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with