Angel nakipaghiwalay na sa manager
Unang nag-resign sa bakuran ng ABS-CBN ang veteran scriptwriter na si Jake Tordesillas na Kapuso na ngayon. Sumunod naman ang isa pang veteran and award-winning scriptwriter na si Ricky Lee na pagkatapos ng mahigit sampung taong paninilbihan sa Kapamilya bilang creative head ay nag-resign na rin pero hindi para lumipat sa ibang TV network kundi gusto niyang balikan ang pagiging isang freelancer at kasama na rito ang pagtanggap ng iba’t ibang projects mula sa iba’t ibang film companies and TV networks. Malamang na balikan din niya ang pagtuturo at pagdagdag pa ng mga libro.
“Wala naman akong naging problema sa ABS-CBN. In fairness to them, nag-counter offer din sila para hindi na ako umalis pero gusto ko munang i-enjoy ang bago kong freedom,” pahayag ng simple and soft-spoken writer na si Ricky.
* * *
Kung tutuusin, Salve A., malaking risk ang ginawa ng GMA 7 para sugalan ang tatlong bagitong teeners na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jhake Vargas para sa youth-oriented romance-drama TV series na First Time na pinamamahalaan ni Andoy Ranay at magsisimulang mapanood ngayong Lunes, bago ang 24 Oras news dahil wala pa silang gaanong pruweba maliban na lamang sa magandang ratings na kanilang ipinakita sa isang special episode ng Dear Friend at bilang batang Jodi, Cholo at Tristan sa top-rating Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven. Actually, ito ang nagbunsod sa GMA management na bigyan ng magandang break ang tatlong bagets.
“Remember, our big stars now were totally unknown nung sila’y magsimula. Kung hindi rin sila nabigyan ng magagandang break ay baka hindi pa rin sila kilala hanggang ngayon,” pahayag ng isang lady executive ng Kapuso.
* * *
Alam mo, Salve A., marami sa ating mga kilalang politicians ang natulungan sa kanilang respective political careers ng kanilang mga popular wives tulad na lamang ni Gov. Vilma Santos kay dating senador at NEDA Director Ralph Recto, Megastar Sharon Cuneta para kay Sen. Kiko Pangilinan, at si Korina Sanchez-Roxas para kay senador at vice presidentiable na si Mar Roxas. Nariyan din si Dawn Zulueta sa husband niyang si Rep. Anton Lagdameo, si Assunta de Rossi kay Rep. Jules Ledesma, si Councilor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez kay Mayor Alfred Romualdez, si dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kahit si Manay Gina Vera-Perez de Venecia ay malaking asset kay dating House Speaker Jose de Venecia at marami pang iba.
Sa darating na halalan, tiyak na malaking role ang gagampanan ng mga popular political wives para sa kanilang mga asawa na muling sasabak sa pulitika.
* * *
BITS & PIECES:
Gaano kaya katotoo ang balitang wala na si Angel Locsin sa pangangalaga ng kanyang manager na si Becky Aguila? Kung ito’y totoo, Salve A., hindi ito ang unang beses na nagkahiwalay sina Becky at Angel.
Speaking of Angel, nasasabik na rin ang kanyang mga tagahanga hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa kung kelan muling mapapanood sa small screen ang kanilang idol. Sa pagkakaalam namin, maraming projects ang nakatakdang simulan ni Angel sa bakuran ng ABS-CBN at kasama na rito ang bagong TV series na pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz at pelikula with Aga Muhlach.
Tila lackluster ang bagong reformat na SOP kung ikukumpara sa katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang ASAP. Dapat siguro’y pagtuunan ng pansin ng mga namamahala ng programa ang SOP kung gusto nilang makahabol sa ratings ng ASAP.
* * *
- Latest