ABS-CBN executives magtuturo sa Pinoy Media Congress
MANILA, Philippines - Haharapin ng mga executives ng ABS-CBN ang mahigit 1,000 communications students at academicians mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa taunang Pinoy Media Congress (PMC) na gaganapin ngayong Huwebes (Feb. 4) at Biyernes (Feb. 5) sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Manila.
Sa pangunguna nina ABS-CBN chairman and CEO Eugenio “Gabby” Lopez III, president at COO Charo Santos-Concio at Channel 2 head Cory Vidanes, tatalakayin ng mga network executives ang kasalukuyang estado ng media sa two-day forum na inorganisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation at Philippine Association of Communication Educators (PACE).
Hihimukin ni ABS-CBN News and Current Affairs head Maria Ressa, na siyang namuno sa kampanya para sa eleksyon ng ABS-CBN na Boto Mo, iPatrol Mo, ang mga kalahok sa Pinoy Media Congress na maging aktibo sa pagiging mamamayan sa pamamagitan ng kanyang lecture sa Citizen Journalism.
Hihimayin din ni ABS-CBN Corporate Communications head Bong Osorio ang mga naglipanang political advertisements para sa nalalapit na halalan.
- Latest