^

PSN Showbiz

Anne pikon sa Paghahabol kay Sam

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi tinanggal si Regine Tolentino sa Unang Hirit. Siya mismo ang nagpaalam sa management ng GMA 7 na payagan siyang mag-concentrate muna sa pag-aartista dahil binigyan siya ng role sa Ina Kasusuklaman Ba Kita?, isang bagong serye ng Siete.

Matagal nang hindi umaarte si Regine kaya nang mabigyan ng opportunity na makaarteng muli, sinamantala na niya. Bahagi ito ng pagpapalago niya ng kanyang talento at karera.

Ayaw niyang ma-type cast bilang isang dancer lamang. Gusto niyang maging versatile.

* * *

Muling prinodyus ni Lionel Richie ang kantang We Are the World para makalikom ng pondo na makakatulong sa pagbangon ng mga sinalanta ng lindol sa Haiti. Si Richie rin ang unang nagprodyus nito nung 1985 para sa ganito ring kadahilanan. Mas madaling makakabangon ang Haiti sa ganitong paraan.

Ano na kaya ang nangyari sa mga ganitong ginawa rin ng ating mga local talents para naman sa mga sinalanta ng Ondoy at ng mga sumunod pang bagyo?

* * *

Kawawa naman si Angelica Panganiban.

Pinagbibintangan na pera lamang ang hinahabol kay Derek Ramsay. Bakit gaano ba kayaman si Derek para pagbintangan ang girlfriend niya na pineperahan siya? Eh, I’m sure marami na ring ipon si Angelica dahil nagsimula siya bilang isang child star.

* * *

Kung ako rin si Anne Curtis, mapipikon na ako dahil pinalalabas na naghahabol siya kay Sam Milby.

Marami raw siyang manliligaw para sabihing naghahabol siya sa dating karelasyon.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

DEREK RAMSAY

INA KASUSUKLAMAN BA

LIONEL RICHIE

REGINE TOLENTINO

SAM MILBY

SI RICHIE

UNANG HIRIT

WE ARE THE WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with