^

PSN Showbiz

Pokwang naghahanap ng Mr. Right

-

MANILA, Philippines - Mapupuno ng hagikgik, kilig at drama ang unang Linggo ng inyong Pebrero (February 7) dahil isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na hatid ng Your Song Presents : Love Me, Love You na pagbibidahan ni Pokwang sa direksiyon ng batikang direktor na si Joey Reyes.

Gagampanan ni Pokwang ang karakter ni Lovely, isang babaeng natubog na ang puso dala ng kabiguan sa pag-ibig. Kaya naman itinuon na lamang niya ang kanyang atensiyon sa pagpapayaman. Sa tunay na buhay, inamin ni Pokwang na kailanman ay hindi natakluban ang kanyang puso ng pera o kasikatan.

“Never ko mas pinahalagahan ang kayamanan o katanyagan over sa pagmamahal. Tama sigurong protektahan mo ‘yun pero hindi aabot sa punto na makakalimutan mo nang umibig at magmahal,” buong-siglang pagkukwento ni Pokwang.

Bukod sa nakakaaliw niyang pagpapatawa, makikita rin ng mga manonood ang kanyang ‘dramatic’ side. “Hindi lang puro comedy ito. May halong drama para iba naman. With matching luha and all ito,” she expressed.

Naipahayag ng comedienne-host na inaasam din naman nitong makatagpo ng lalakeng tunay na magmamahal sa kanya at sa kanyang nag-iisang anak na babae. Ngunit binigyang-diin niya na kuntento na rin naman siya sa pagma­mahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan at pamilya. “Bahala na kung dumating si Mr. Right, pero kung dumating siya para mapanalunan niya ang puso ko, kailangan respetuhin niya ang anak kong babae,” sambit ng TV host.

Makakasama ni Pokwang ang mga magagaling na artista gaya nina Jason Abalos, Vangie Labalan, John James Uy, Chinggoy Alonzo, Manny Castañeda, Kakai Bautista, Jommy Teotico, at Desiree Del Valle.

Napanood na dati si Pokwang sa isa sa mga high-rating episodes ng Your Song na pinamagatang Breaking Up Is Hard To Do katambal si Sam Milby.

vuukle comment

BREAKING UP IS HARD TO DO

CHINGGOY ALONZO

DESIREE DEL VALLE

JASON ABALOS

JOEY REYES

JOHN JAMES UY

JOMMY TEOTICO

KAKAI BAUTISTA

LOVE ME

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with