^

PSN Showbiz

Kinalakihang pamilya lalayasan na, magaling at guwapong aktor lilipat na rin sa TV 5

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magiging Ka-Shake na rin ang isang magaling at guwapong aktor dahil tiyak at desidido na itong pumirma ng kontrata at lumipat sa TV5 ’pag natapos ang soap sa network kung saan siya ipinakilala at nagkapangalan.

Malaki ang plano ng TV 5 sa aktor na ito na ’di rin namin sasabihin kung Kapamilya at Kapuso, hulaan n’yo na lang. Magagandang programa ang ibibigay sa kanya at magagaling na aktres ang itatambal para mas sumikat pa siya.

Loyal-loyalan ang aktor na ito sa network kung saan siya nagsimula, kaya may dahilan kung bakit after ilang years at magagandang projects, nag-decide sila ng kanyang manager na lumipat ng network ang aktor.

* * *

Very proud mother si Kris Aquino na ipinakita sa mga viewers ng SNN ang series of pictures ni Baby James na kuha ni Jun de Leon. Sabi pa nito, kailangang playmate si Baby James nina Lorin at Venice Bektas na magsu-showbiz na via Goin’ Bulilit. Si Baby James ay kasama sa Kung Tayo’y Magkakalayo as baby Jackson at anak nina Kris at Albert Martinez. 

’Katuwa si Kris dahil nai-promote sa SNN nila ni Boy Abunda ang mga shows sa Qatar at Dubai nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at guests sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Rico J. Puno na except for Rico ay pawang Kapuso.

Ipinaalala rin ni Kris ang charity sale niya na gagawin sa Resurrection Store, 34 Sgt. Esguerra St., Diliman, Quezon City from February 12-20, 10 a.m.-8 p.m. Branded shoes, bags, dresses, and designer gowns are for sale. Check out www.styleresurrec­tion.multiply.com.

* * *

Papalitan na pala ang Showwwtime ni Michael V. at sa nabasa naming print ad ng mga new shows ng GMA 7, Pepito Manaloto na ang title ng show. Sabado rin ang airing nito na for sure, ibang-iba sa Showwwtime.

Naalala tuloy namin ang tsikang ayaw sanang palitan ni Michael V. ang Bitoy’s Funniest Videos dahil klik pa naman sa mga viewers at kung papalitan man, gusto nito ng sitcom. Kaso ang network ang nasunod at ibinigay sa kanya ang Showwwtime.

Sa print ad pa rin ng Channel 7 namin nakitang magkakaroon na finally ng solo show si Drew Arellano at ito’y ang Well, Well, Well na ilalagay sa Sunday programming. It’s about time na magkaroon ng solo show si Drew dahil magaling siyang host.

* * *

 “Soon” ang sabi sa amin ng isang taga-TV 5 kung kailan ang simula ng news program na pagsasamahan nina Paolo Bediones at Cheryl Cosim. Inaayos na lang ang news organization at eere na ang news program na sikreto pa ang title.                                                                                            

Halong Kapamilya at Kapuso ang hahawak ng newscast ng TV 5 dahil si Paolo galing ng GMA 7 at si Cheryl galing ng ABS-CBN. Si DJ Sta. Ana (husband ni Karen Davila) ang head news operation na galing ng Channel 7 at lumipat ng Channel 2. Ganundin ang kaso ni Luchi Cruz-Valdez na from Channel 7 ay lumipat sa Channel 2 at ngayon ay nasa TV 5 na. Reunion?

ALBERT MARTINEZ

BABY JAMES

BOY ABUNDA

CHERYL COSIM

DINGDONG DANTES

KAPUSO

MICHAEL V

SHOWWWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with