^

PSN Showbiz

Binabasa na nga Dennis mali-mali ang English!

- SEEN SCENE -

SEEN : Nagpunta sa Amerika noong Huwe­bes si Dra. Vicki Belo at nag-guest si Jennylyn Mercado sa isang live show noong Linggo. “Hi to Dra. Belo. She’s watching right now,” ang sabi ni Jennylyn sa kanyang guesting. Hindi nagsabi ng totoo si Jennylyn.

SCENE : Ang nakakaumay na TV ad ni Dick Gor­don dahil matagal nang tapos ang Pasko. Hin­di na tama na gamitin niya ang kanta na Silent Night, Holy Night. Itigil na niya ang pag­pa­­palabas sa video ng kanyang pagtulong dahil obligasyon niya ’yon bilang chairman ng Philippine National Red Cross.

SEEN : Ang nega comments sa acting ni Kris Aquino sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

SCENE : Ang pagsasabi ni housemate Ja­son kay Big Brother na liligawan niya si Melissa. Nagmimistulang scripted ang mga nangyayari sa loob ng PBB house dahil nakasentro sa love­team nina Jason at Melissa ang kuwento kapag natatalo sila sa rating.

SEEN : Ang poor hosting skills ni Dennis Trillo sa StarStruck V. Binabasa na nga niya ang spiels, mali-mali pa ang kanyang English grammar.

SCENE : Ang lousy look ni Charice sa Uma­gang Kay Ganda. Hindi nalalayo ang hitsura niya sa mga miyembro ng Aegis band.

SEEN : Naggagamitan na naman sina Pops Fernandez at Martin Nievera. Tulad ng mga na­­ka­raang gimik, sweet na naman sila sa ipino-promote nilang concert. Really. They deserve each other.

BIG BROTHER

DENNIS TRILLO

DICK GOR

DRA

HOLY NIGHT

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAY GANDA

KRIS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with