Mariel for hire!
MANILA, Philippines - Inihahandog ng Precious Hearts Romances Presents, ang Quikilig : Mga Maikling Kwento ng Pag-ibig sa una nitong romantic series na pinamagatang Love is only in the Movies at pinagbibidahan ng real life sweethearts na sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo.
Ikalawang pagkakataon na ni Mariel na makatrabaho ang PHR team at sinabi nitong magaan ang loob niya sa buong staff kaya naman masaya ang kanilang mga taping days. Inamin din niya na kinakabahan siya sa darating na “love scene” niya kasama ang boyfriend: “Medyo nahihiya ako siyempre kasi maraming nakatinging tao.”
Pero kuwento ng dalaga, super happy ang kanilang mga taping together kasi puro tawanan lang sila at parang naglalaro lang sa set.
Marami siyang pagkakatulad sa kanyang karakter na si Sheye : “Makulit din siya at masayahin by nature. Yung grandparents din niya ang nagpalaki sa kanya. I’ll also do anything for my friends. Pero ang challenge for me is yung I want to make people see that it’s not Mariel. Kailangang ipakita ko yung character ko.”
Sa kuwento, isang bartender si Sheye na may sideline din bilang impostor o reality actress. Dahil laging gustong ipagtanggol ang mga kaibigan, minsan ay “for hire” siya para malaman kung faithful nga ba ang mga boyfriend ng kanyang mga kaibigan. Dito niya makikilala si Xander (Zanjoe).
Hanggang kalian kaya magpapanggap si Sheye? Kaya niya bang labanan ang totoong nararamdaman para kay Xander?
- Latest