^

PSN Showbiz

Janice 'di kayang makita si John

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang ganda ng beach wedding sa Nasugbu, Batangas ni Rica Peralejo at ng kanyang mister, ang pastor na si Joseph “Joe” Bonifacio.

Ikinasal ang dalawa noong Biyernes na hindi napuntahan ng mga gatecrashers dahil sikretong-sikreto ang lugar.

Happy ako para kay Rica dahil kitang-kita ang kanyang happiness. Imagine, matagal na silang may relasyon ni Joe pero nag-kiss lamang sila sa araw ng kanilang kasal. ’Kakaiba ’di ba?

Napansin ko rin na magkamukha sina Rica at Joseph kaya no wonder na nagkatuluyan sila. Pa­sok sila sa matandang kasabihan na nagka­katu­luyan ang mga magdyowa na magkaka­mukha.

* * *

Kahapon lang sumagot si Janice de Belen tung­kol sa isyu ng hindi niya pag-apir sa debut party ng panganay na anak nila ni John Estrada.

Si John ang nagbigay ng party para kay Inah at ang hindi pagsipot ni Janice ang klarong ebi­densiya na hindi sila in good terms ng ex-hus­band. Baka nga hindi na sila magkasundo dahil ma­raming unresolved issues ang dating mag-asawa.

 May balita na hindi rin sinipot ng mga kamag-anak ni Janice ang 18th party ng bagets. Pero mali ang tsismis dahil nakita sa debut ni Inah ang madir ni Janice. Nandoon din ang iba nilang mga kamag-anak.

Siyempre, present sa debut party ang girlfriend ni John na pinuri-puri ng kanyang mga anak. Hala­tang boto ang mga bata sa girlfriend ng kanilang fadir!

* * *

Si Papa Joseph Erap” Estrada ang special guest sa birthday celebration ni Boots Anson-Roa noong Sabado.

Ginanap ang party ni Mama Boots sa MO­WELFUND at dumating ang kanyang close friends at pamilya na nanggaling pa sa Amerika.

Love na love ni Papa Erap si Mama Boots. Fa­vorite leading lady ni Papa Erap si Mama Boots. Gu­­mawa sila noon ng mga pelikula na may mga pa­magat na Erap.

In fairness kay Papa Erap, memoryado niya ang lahat ng pelikula na pinagsamahan nila ng kan­yang favorite leading lady.

Sixty-five years old na si Mama Boots noong Sabado at imbes na regaluhan siya ng kanyang friends, ni-request niya na mag-donate na lang sa Mowelfund. Ganyan kamahal ni Mama Boots ang foundation na itinatag ni Papa Erap para sa mga ma­liliit na manggagawa ng pelikulang Pilipino.

* * *

“Na-fall out of love ako,” ang sey ni Daiana Me­ne­zes kaya naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Carl Guevara.   

The who si Carl? Siya ang Be Bench winner na dating talent ng ABS-CBN at nag-ober da bakod sa GMA 7. Regular na napapanood si Carlo sa SOP.

Sa totoo lang, hindi naman bagay sina Daiana at Carl. Hindi naman nagkakalayo ang kanilang mga edad pero dahil foreigner si Daiana, mas muk­hang matanda siya kesa kay Carl. Puwede nga siyang mapagkamalan na tita ni Carl huh!

* * *

Ngayon ang unang araw ng February at ilang araw na lang, magsisimula nang mangampanya ang mga kandidato kaya bawal na silang ma­panood sa TV.

Pahinga muna si Sen. Bong Revilla, Jr. bilang host ng Kap’s Amazing Stories. Papalitan muna siya ng kanyang bunsong anak na si Ram kaya Kap’s Amazing Stories Kids Edition ang bagong title ng show na nag-umpisa kahapon.

Sanay na sanay si Ram na humarap sa mga TV camera kaya hindi siya kinakitaan ng kaba sa taping ng kanyang bagong raket!

AMAZING STORIES

AMAZING STORIES KIDS EDITION

JANICE

KANYANG

MAMA BOOTS

PAPA ERAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with