^

PSN Showbiz

Kakaibang approach pelikula tatapusin sa 180 seconds

-

MANILA, Philippines -  Idineklara na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga nanalo sa 180 Microcinema Film Festival.

Ang nasabing proyekto ay inilunsad noong nakaraang taon, Aug. 30, na ang layunin ay maengganyo ang mga aspiring Filipino filmmakers na palawakin ang kanila kakaibang approach sa paggawa ng pelikula — unique, unorthodox approach to filmmaking – telling a story in concisely 180 seconds.

Ang mga napili ay nag-submit ng kanilang entries of the following categories: Narrative, Documentary, and Experimental sa 180 Microcinema Festival website kung saan pinagbotohan ang kanilang mga video.

Sa daan-daang online votes, ang Top 3 entries lang ng bawat category ang napili based on audience votes.

Nakakuha ng mataas na boto ang Habilin ni Car­lo Alvarez (Narrative), Musika sa Dilim by Shobert Hallig (Documentary), and Konsiyerto ng Kara­patan, by Geraldo Jumawan (Expe­rimental).

Si Geraldo ang nakakuha ng 2nd place spot sa lahat ng mga categories: Takbo (Narrative), Bag­yong Ondoy (Documentary), at Sa Laot ng Pa­ngarap (Experimental). Ang 3rd place ay kina Real Florido, Mr. Perfect (Narrative); Geraldo, Entablado (Documentary); at Joseph Mangubat, Homeboys: The Road Not Taken (Experimental).

Ang 1st Place, 2nd Place, at 3rd Place winners ay tumanggap ng P30,000, P20,000, and P10,000, respectively.

Pero isang grupo ang humawak para paliin ang best film from each category. Ang jury ay binubuo nina Jeremy Segay of Paris Cinema; Ms. Manet Day­rit, managing director ng RoadRunner Network, Inc; at ang award-winning director na si Francis X. Pasion.

Ang mga napili ng jury: Breakfast with Lolo ni Steven Flor for Narrative, Modelo ni Mel Rose Aguilar for Documentary, at Ebolusyon ni Kasalanan ni Emerson Reyes for Experimental. Tumanggap bawat isa ng P30,000.

May espesyal ding pinili ang jury dahil sa kaibahan ng pelikula. Ang Habilin ni Carlo Alvarez at Untitled Manila ni Jet Leyco ay tumanggap ng Special Mention Award at premyong P10,000 each para sa technical excellence. Ang isa pang entry ni Jet, The Discovery of Random Truth in Four Years of Madness, ay napuri rin para sa Special Mention award dahil sa Artistic Merit.

ARTISTIC MERIT

CARLO ALVAREZ

DISCOVERY OF RANDOM TRUTH

EMERSON REYES

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

FOUR YEARS OF MADNESS

FRANCIS X

GERALDO JUMAWAN

HABILIN

JEREMY SEGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with