May umamin na MMFF 2009 maliit ang kinita
Nakyu-kyutan ako sa billboard ng First Time na kung saan starring sina Joshua, Barbie, at Jake. Parang isang Koreanovela ang dating.
Malakas ang dating ng tatlong bagets na unang napanood na magkakasama sa Stairway to Heaven. Ngayon pa lamang, inaabangan na ng lahat ang telenovela nila. Kapag lumusot sila sa primetime, maiiba na naman ang trend ng TV viewing.
* * *
Nakausap ko si Mr. Wilson Tieng, pangulo ng Solar Films at isa sa mga nagtataguyod ng taunang Metro Manila Film Festival. Inamin niya na hindi napantayan ng nakaraang pista ng mga pelikula ang kita ng MMFF noong mga nagdaang taon. Mahirap daw talagang gumawa ng pelikula and he cited the fact na mahirap kumuha ng artista. Ayaw magpahiram ng mga TV networks ng artista. At kapag nakakuha naman ng artista, nahihirapan naman sila sa schedule ng mga ito.
Isang malaking problema rin daw ang talent fee, masyadong mataas sumingil ng talent fee ang mga managers ng artista. Hindi rin daw makapag-focus ang mga artista dahil maraming kasabay na trabaho.
Sa mga ganitong sistema, paano ba makaka-move on ang industriya natin ng pelikula?
* * *
Congrats kay Juday, maipapalabas na rin ang serye niya na tatlong taon na nilang ginagawa, ang Habang May Buhay.
Isang malaking bagay sa kanya na maipalabas na ito finally dahil makakagawa na siya ng bago. Parang isang balaraw na nakatutok sa kanyang puso ang pagkakabinbin ng showing nito. Magkakaroon at magkakaroon siya ng insecurity na baka hindi maganda kaya ayaw ipalabas.
Now the waiting is over. Katunayan, makakaalis na sila ni Ryan Agoncillo matapos itong mag-premiere sa TV para naman sa second honeymoon nila.
- Latest