^

PSN Showbiz

GMA 7 wala pang plano kay Nora Aunor

- Veronica R. Samio -

Nakakainggit kung tutuusin dahil 24 taong gulang la­mang si Marc Cubales pero meron na siyang milyon. At sa kanyang pagpupunyagi, bago siya tumuntong ng 30, malamang bilyonaryo na siya. 

Pero hindi naging madali ang buhay para sa balik­bayang ito from the United Kingdom.

Sampung taon lamang siya nang ampunin siya ng boss ng kanyang ama. Hindi lamang siya nito kinuha, ginawa pang legal ni Chris John, Sr. ang pagiging ama nito sa kanya. Dinala siya nito ng UK, pinapag-aral hanggang maka­tapos ng Ad­vance Business English sa Manchester Uni­versity. Sa Manchester din siya nagsimulang maging mo­delo simula noong 16 na taong gulang siya. 

Nakilala ko si Marc nung maimbitahan ako ni Rey Pu­maloy sa kanyang birthday celebration sa isang bar. 

Balak ni Marc na dito na manirahan ng pirmi­han. Isa siyang Pilipino na residente ng UK. Binig­yan siya ng puhu­nan ng nag-ampon sa kanya na ginamit niya sa pagsisi­mula ng mga maliliit na negosyo. Tulad ng Lotus Boy Deve­lop­ment sa Thai­land, isang buy & sell ng real pro­perty. Meron na rin siyang sinimulang negosyo rito, ang MCS Trans­portation. Meron na siyang apat na mini buses na tumatakbo sa Kamaynilaan.

Meron siyang limang kapatid sa kanyang mga magu­lang na Pilipino. Patay na ang kanyang bio­logical father at ang ina na lamang niya ang nag­tataguyod sa kanyang mga kapatid. Binigyan niya sila ng bahay. Pero siya ay nakatira sa hotel.

Balak din ni Marc na magprodyus ng pelikula pero nasa proseso pa la­mang siya ng pag-aaral tungkol dito.

Sa ngayon, naggi-guest-guest siya sa TV. Tulad ng Biyaheng Langit ng TV5 kasama ang batang si Chacha. Isa naman siyang chef sa Everybody Can Cook ng Studio 23.

Ipinagpapatuloy niya ang kanyang modeling dito o kung hindi man ay nagpo-prodyus siya ng mga events, tulad ng fashion shows.

* * *

Hindi pa naman pala siguradong sa GMA 7 magta-trabaho si Nora Aunor pagbabalik niya ng Pilipinas. Gusto kasi nitong gumawa hindi lamang ng movie pagdating niya. Gusto rin niyang mag-teleserye at mag-concert. Kung maibibigay ito sa kanya ng Siete, okay lang. Pero isang source ang nakapagsabi sa akin na wala pang final decision para sa superstar ang Kapuso Network in which case ay baka maunahan pa sila ng Kapamilya network na pagdating sa ganitong bagay ay mabilis mag-desis­yon. Kapag nagkataon, nasa Dos na ang Star For All Season (Vilma Santos), Diamond Star (Maricel Soriano), Multi Media Star (Kris Aquino) at baka madagdagan pa ng Superstar.

* * *

Mukhang hindi na press release ang pagba­bati ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Nag-dinner silang magkasama nung Thursday evening at pagkatapos ay sinamahan na rin ni James si Kris sa SNN at hinintay na ma­ka­tapos ng kanyang trabaho para sabay na silang umuwi.

Nasabi ko na napakaganda nung TV ad ni Noynoy Aquino which also feature his nephew Baby James. I dare say, maraming boto ang maku­kuha nito. 

Maganda rin yung commercial na ginawa ng mag-amang James at Baby James Yap para sa isang insurance firm. Simple pero, may kurot sa puso.

Ganito kaaga ay nagpapamalas na si Baby James ng kanyang karisma na kinalulugdan ng lahat.

BABY JAMES

BABY JAMES YAP

BALAK

BIYAHENG LANGIT

KANYANG

KRIS AQUINO

MERON

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with