Regine Tolentino gumanda ang kutis at aura
MANILA, Philippines - Napanood n’yo ba si Regine Tolentino lately? Hindi ba mas maganda ang kutis at aura niya? Kaya mas marami ang nagtatanong sa dancer-TV host ng sikreto niya sa pagiging fresh at maganda.
Hindi naman nagdamot si Regine, sabi niya: “May mga exciting changes nga akong napuna after I discovered a little known secret — brown seaweed! I know na favorite dish iyan sa Japan pero natuwa ako nang malaman na kaya rin nila gusto iyon ay dahil sa pampabata at pampahaba pa ng buhay!”
Hindi naman siya kumakain ng sangkaterbang brown seaweeds pero may kapsula siyang iniinom na Fucoidan at imported talaga from Japan.
“It takes lots and lots of seaweed to produce one valuable capsule of the wonder nutrient, you know. With Fucoidan, I can get everything I need! Pupunta lang ako ng Watsons, available pa nationwide kaya walang hirap,” balita pa ng seksing mother of two.
Bukod sa skin problems na natutulungan ng brown seaweed extract sa capsule, napag-alaman din ng mga eksperto na nakakapigil ito sa pagtubo ng mga tumor sa katawan. Mabuti rin ito sa puso.
Kaya ang payo ni Regine sa mga tagahanga, huwag asamin na gumanda lamang sa panlabas, kundi mas unahin ang panloob na kalusugan.
“Eat right, get active, and supplement your diet with special nutrients that protect you from sickness and make you look your best,” sabi ni Regine. “Kung sakitin ka, hindi mo rin mae-enjoy ang buhay.”
Samantala, kung si Eagle Riggs ay nagi-emote na tinanggal siya sa Unang Hirit, si Regine ay walang habol. May ibang trabaho naman daw siyang pinagkakaabalahan. (SP)
- Latest