Maricel mas abala sa BF na badminton coach
Uy, hindi naman pala totoong nawawala sa eksena ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Bisi-bisihan lang daw ito sa kanyang lovelife. Badminton coach daw ang kanyang bagong papa ayon sa isang source. In fairness, wala raw sabit si Mr. Badminton Coach dahil matagal na raw itong hiwalay sa asawa ayon sa super reliable source.
Matagal ding walang lovelife si Maricel. Kaya siguradong maraming matutuwa na meron siyang non-showbiz BF.
Guwapo ba siya? How old? Rich din?
“Good looking naman. Moreno. Mga ka-age ni Maricel at hindi naman mayaman na mayaman but can afford naman,” sagot ng source ng Show-My.
Kaya pala after ng T2, last movie niya sa Star Cinema, namahinga na si Ms. Maricel sa pelikula. Wala rin balitang show niya sa ABS-CBN dahil ang last show niya sa kanyang home network na Florinda, hindi na siya nag-promote kaya nagkaroon pa ng issue noon na lilipat na siya ng channel.
Pero teka lilipat nga ba siya? Sa TV5?
* * *
Masama pala ang loob ng isang kamag-anak sa boyfriend ngayon ng aktres. Ang rason : betrayal of trust sa kanyang kamag-anak. Pero masyadong masalimuot ang kuwento.
Ang aktres na sangkot sa kuwento ay aktibo pa rin sa showbiz.
* * *
Nagri-react ang mga fans ni Sarah Geronimo sa pagi-insist na may lihim na relasyon daw ang kanilang idolo at si Rayver Cruz.
Emote nila :
“Paano naman makakalusot si Rayver, eh parating kasama ang mommy at daddy ni Sarah? ‘Wag naman nilang palabasing nagiging matigas na ang ulo ni Sarah.
“Saka ba’t ba ayaw nilang maniwala? Nagsasabi na si Rayver na wala. Bakit ipinipilit nila?” part ng emote sa e-mail ng fans ng young superstar.
Actually bakit nga ba pinipilit? Paano naman kasi nangyari yun eh, parang 24/7 kasama ng magulang niya si Sarah at napaka-imposible nga naman na malusutan pa sila.
* * *
May ipinadalang statement ang GMA 7 tungkol kay Eagle Riggs na masama ang loob dahil bigla raw siyang tinanggal sa morning show ng GMA 7 na Unang Hirit samantalang naging super loyal siya sa nasabing programa.
Here ang statement ng GMA 7 :
GMA’s Response to Statements Issued by Eagle Riggs
GMA News and Public Affairs wishes to clarify the issue regarding the non-renewal of contract of Eagle Riggs for the show Unang Hirit. As the leading morning program, Unang Hirit constantly innovates to bring superior programming to its audience.
On its 10th year, the show is set to take a new direction that will entail some changes in the current roster of hosts.
Understandably, Eagle is bitter but we did try to keep him. We offered him other options, including doing showbiz stories in Unang Hirit but he was not amenable to this. He wanted to carry on with his usual assignment, but this was not part of the reformat plans.
It is a fact that competing programs monitor each other. For its part, Unang Hirit maintains that any and all changes to its format are only in keeping with its commitment to provide quality news and features.
It is unfortunate that Eagle chose to attack the network that gave him a home for nine years, and until the end tried to give him options.
Still, we wish him well and thank him for his contributions to Unang Hirit.
- Latest