^

PSN Showbiz

Magkaiba lang ng floor, Manny at Krista nakatira sa iisang bubong sa Amerika?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nasa presscon ako kahapon ng A Fucoidan nang mabalitaan ko na board of director na si Manang Inday ng isang kompanya.

The who si Manang Inday? Eh di si Susan Roces, ang Reyna ng Pelikulang Pilipino. Habang on-going ang presscon nina Marissa del Mar at Regine Tolen­tino, pumipirma naman si Manang Inday ng kontrata sa opisina ng kompanya na tinutukoy ko. Congrats Manang Inday!

* * *

Hindi naman pala napikon si Korina Sanchez sa insertion word na ginamit ni Senator Nene Pimentel sa senado.

Tinanggap nga ni Mama Koring ang apology ni Senator Pimentel. Aminado naman si Senator Mar Roxas sa sinabi ni Senator Pimentel dahil in bad taste ito.

Ang ganda-ganda at ang haba-haba ng buhok ni Mama Koring nang magkita kami sa presscon ni Mother Lily para kay Papa Mar. Kitang-kita sa mukha ni Mama Koring na maligayang-maligaya siya bilang Mrs. Mar Roxas.

Alam ni Mama Korina kung saan siya lulugar. Hindi siya nakikialam sa cam­paign strategy nina Papa Mar at Noynoy Aquino pero ready siya na tumu­long kung kailangan ng partido ang kanyang suporta.

Wala pang plano sina Mama Koring at Papa Mar na magkaroon ng anak. One at a time ang drama nila. Ini-enjoy muna nila ang isa’t isa. Mahirap nga naman para kay Mama Koring na magbuntis sa gitna ng pagiging busy ng kan­­yang mister sa pangangampanya.

* * *

How true na nakatira sa iisang compund sa Los Angeles sina Manny Pac­­­quiao at Krista Ranillo?

Ito ang balita na nasagap ko sa presscon pa rin ng A Fucoidan. Ang tsismis, nakatira raw si Krista sa 3rd floor ng Palazzo at nasa penthouse naman si Manny. Ang Palazzo ang sosyal na apartment building na tinitirhan ni Manny sa tuwing nagpupunta ito sa Amerika.

May malaking bahay sina Manny at Jinkee sa Hancock Park pero mas sanay maglagi si Manny sa Palazzo.

Natatandaan ko ang sinabi ni Jinkee sa isang interbyu na na-hurt siya nang malaman niya na nakarating na si Krista sa bahay niya sa Hancock Park. Kung ako man si Jinkee, mag-aalburoto ako dahil parang hindi na iginalang ang kanyang sariling bahay.

Anyway, tsismis pa lang ang narinig ko. Ang ibig sabihin, hindi pa kumpirmado na nakatira sina Manny at Krista sa isang compound. Hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Krista para sa kanyang sagot o denial.

* * *

 Kung saan-saan na napunta ang kuwento ko eh si Marissa del Mar ang topic ko. Artista na nakilala noong dekada ’80 si Marissa at isa na siyang success­ful businesswoman ngayon.

Si Marissa ang nagdala sa Pilipinas ng A Fucoidan, isang brown seaweed supplement na nakatutulong magpapayat at nakapagpapalakas ng katawan.

Si Regine Tolentino ang endorser ng A Fucoidan at ang kanyang 22-inch waistline ang resulta ng paggamit niya ng produkto na nabibili sa Watsons.

Gumagamit din si Marissa ng A Fucoidan at hindi niya ikinahihiyang aminin na 49 years old na siya. Kung makikita ninyo si Marissa, iisipin ninyo na nagsi­sinungaling siya dahil wala sa kanyang itsura na 49 years old na siya. Batam-bata ang mukha at katawan ni Marissa. Puwedeng mapagkamalan na mid-30’s lang ang kanyang edad.

vuukle comment

A FUCOIDAN

HANCOCK PARK

JINKEE

KRISTA

MAMA KORING

MANANG INDAY

MARISSA

PAPA MAR

SENATOR PIMENTEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with