^

PSN Showbiz

Aiai dumayo ng Europe para makipagkita sa chatmate

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bongga talaga ni AiAi delas Alas. Talagang dinayo niya ang Greece para maka-eyeball ang kanyang chatmate. Yup, you read it right. Go siya ng Europe para makipagkita ng personal sa nasabing lalaki na ayaw niyang pangalanan.

Anim na araw siyang nagtagal sa nasabing bansa na paboritong puntahan ng mga turista.

Boyfriend niya ba ‘yun at kailangan pa niyang dayuhin, pagkagastusan ng mahal sa pamasahe sa eroplano at hotel accommodations?

“Hindi naman. Chatmate ko lang siya. Ininvite ko ang sarili ko,” sabi ng comedy concert queen sa isang tsikahan kahapon over lunch na natatawa habang nagkukuwento.

Pero kahit anong pilit, hindi niya talaga sinabi ang pangalan. Edad lang ang ibinigay niya, 37 years old.

Nang hingan siya ng picture, hindi rin siya napilit na ipakita. “’Wag na muna ngayon,” pakiusap niya.

Pagkatapos nilang mag-eyeball sa Greece, tuloy ang communication nila sa chat pero bisi-busihan siya kaya hindi masyadong active.

Tahimik ang ginawang pag-alis ni AiAi. Hindi siya nagsama ng chaperon papunta sa nasabing bansa.

Aminado rin siyang hindi siya gaanong naglalabas sa tinuluyan niyang hotel pagdating sa Greece.

Alam ng chatmate niyang artista siya dito sa atin pero kuwento ng komedyana, hindi nito alam kung gaano siya kasikat.

Eh bakit ba siya nagdesisyong makipagkita?

“Life is too short. Kung hindi ko ginawa ‘yun, sayang ang chance. Saka for experience,” katuwiran nito.

Pero take note, nagpaka-wholesome raw siya doon. As in walang nangyaring something katulad ng iniisip ng lahat sa nasabing tsikahan. “Siyempre, may kissing scene. Pero wala ’yung something (sex),” sabi niya sabay tawa. “Natatakot ako,” katuwiran ni AiAi.

Bachelor daw ang guy. “Pero siyempre may mga dati na siyang girlfriend,” pahabol niya.

Mukhang tumitibok-tibok ang puso ng comedy concert queen at surprisingly, hindi siya nagkuwento kaya hayaan na natin.

Anyway, malapit nang simulan ang gagawin nilang show ni Aga Muhlach sa ABS-CBN. Isang dramedy ang pagsasamahan nila ng actor na mapapanood lang every weekend. “May story conference na kami sa Feb. 8. Sa Tagaytay ang setting namin,” tsika niya. Mapapanood ito after ng The Singing Bee.

Ka-join din siya as judge sa Pilipinas Got Talent kasama sina Kris Aquino at Mr. Freddie Garcia. Kasama silang naglilibot sa buong bansa para sa audition ng nasabing bagong talent show ng ABS-CBN.

Bumalik na raw ang friendship nila ni Kris at sumumpa siya rito na hinding-hindi na siya magko-comment ng anything tungkol sa asawa nitong si James Yap. Kaya kahit anong pilit ng mga writers na hingan siya ng comment sa pinagdaanang problema ng mag-asawa, super tikom ang bibig niya. “Ayoko na. Nag-promise ako kay friendship na hindi na ako magsasalita,” giit ni AiAi na seryoso sa ginagawang pagpapa-sexy dahil sa gagawin niyang bonggang concert sa Araneta sa 20th anniversary niya sa showbiz sa darating na November.

Nadala na si AiAi sa nangyaring pagko-comment niya noon sa hiwalayan nila Kris at James na isang Hope Centeno ang itinuturong dahilan. Tapos na noon ang kuwento pero si James, masama pa ang loob sa kanya.

Anyway, ngayon nagtitiyaga siya sa crackers na lunch para pangatawanan ang pagpapapayat. Totodo raw siya sa paghataw, ala-Madonna at Beyoncé sa concert niya sa November.

Sa pelikula, meron pa raw siyang dalawang kontrata sa Star Cinema.

Ang alam niya, gagawa siya ng movie kasama ang mga PBB housemates na sina Melai at Jason.

Asked kung gagawa uli siya ng movie ni dating pangulong Joseph Estrada, napailing na siya.

Incidentally, magkakaroon siya ng Valentine concert sa February 14 Ai Am Your Valentine sa Tent City ng Manila Hotel kasama sina Janno Gibbs, Rufa Mae Quinto, Mark Bautista and Ms. Pilita Corrales.

Tungkol naman sa negosyo niya, sarado na ang kanyang Ai Sarap at tina-target niyang mag-franchise ng Mang Inasal.

Hanggang February na lang ang kontrata niya sa ABS-CBN at may balitang sky is the limit ang offer sa kanya ng TV5. Pero wala pang maisagot si AiAi.

Oh baka naman inililihim pa ni Ms. Ai?

* * *

Natawa ako sa kuwento ng isang source tungkol kay Direk Topel Lee na nagdirek ng controversial na pelikulang Wapakman noong MMFF nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Naalala ng source na minsan nilang natanong si Direk Topel tungkol kay Krista. Bakit daw ba naka­sama ito sa pelikulang ’yun ni Pacman, baka naman daw siya ang may interes sa starlet? Pero pagkasagut-sagot daw ng direktor : “Naku ayoko sa kanya. Sariwa ang gusto ko.”

Natawa raw ang mga kausap ng direktor dahil nagulat ito sa sagot ng batang direktor na ngayon ay direktor ng Dear Friend’s new offering, Almost a Love Story nina Rhian Ramos at TJ Trinidad ng GMA 7.

Comment tuloy nang nakarinig ng kuwento : “Ibig sabihin, bilasa na si Krista,” sabay tawa nito.

Baka naman nagbibiro lang si Direk Topel.

Nakatikim ng katakut-takot na panlalait ang nasa­bing pelikula ni Direk Topel.

Maraming nagugulat na ginawa niya ang nasabing pelikula. Pero katuwiran niya, mabait ang producer ng pelikula na si Wilson Tieng kaya kailangan niyang tapusin ito.

Aminado rin ang direktor na gusto na niyang mag-give up noon pero pinakiusapan lang siya.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AI AM YOUR VALENTINE

DIREK TOPEL

NIYA

NIYANG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with