^

PSN Showbiz

Brapanese model bagong prinsipe ni Kris, Aljur na-insecure?

-

MANILA, Philippines - Isang bago at guwapong prinsipe ang darating sa buhay ni Kris Bernal ngayong buwan ng Enero – ang modelong si Daniel Mat­sunaga!

Makakasama na ang Brazi­lian-Japanese model na si Da­n­iel Matsunaga simula nga­yong Miyerkules sa The Last Prince.  Makikilala siya bilang si Prin­sipe Nicolai, isang guwapong prinsipe mula sa Europa na napadpad sa barrio Macupang dahil isa rin siyang modelo.

Mapapatili si Lara (Kris Bernal) sa unang pagkakataon nang makita niya si Prinsipe Nicolai (Daniel Matsunaga) dahil hubad ito! Pero sa isang par­ty kinagabihan, lubos nang magkakakilala sina Lara at Prinsipe Nicolai.  Naroon din sa party ang pangit na si Almiro (Aljur Abrenica) at ang na­ging date nito na si Lourdes (Chynna Ortaleza). Planong makipagbati ni Almiro kay Lara dahil nagkaroon sila ng tampuhan pero huli na dahil sa ganda ni Lara, magugustuhan siya ni Prinsipe Nicolai!

Dahil pangit, insecure at selos na selos si Almiro! Totoo na nga kaya ang nararamdaman ni Almiro kay Lara?  Paano niya muling mababalik ang atensiyon at pagmamahal ni Lara kung ang kaagaw niya ay ang guwapong prinsipe mula sa Europa?  At sino nga ba si Prinsipe Nicolai?  Ano ang magiging papel niya sa buhay nila Lara at Almiro?

Abangan ang pagdating ni Daniel Matsunaga bilang prinsipe sa The Last Prince ngayong Miyerkules sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

CHYNNA ORTALEZA

DANIEL MATSUNAGA

KRIS BERNAL

LARA

LAST PRINCE

PRINSIPE

PRINSIPE NICOLAI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with