Jericho tanggal sa title ng pelikula nila ni KC at Gabby
Sa February 11 naka-schedule ang first shooting day ng pelikulang pagsasamahan ng mag-amang Gabby at KC Concepcion sa Star Cinema at kung saan kasama sa cast si Jericho Rosales. May tentative title na The Daughter of the Groom ang movie na kung aanalisahin, parehong nasa title sina Gabby at KC, pero wala yata si Jericho.
Bilang paghahanda sa unang pelikulang kanilang pagsasamahan, nag-acting workshop kay Direk Gina Alajar sina Gabby at KC. Sa workshop pa lang daw, enjoy na ang mag-ama, kaya marami ang nagsasabing magiging masaya ang shooting nila ng pelikula sa direction ni Maryo J. delos Reyes.
In fairness, si Sharon Cuneta ang unang nagbalitang gagawa ng pelikula sina Gabby at KC at looking forward din siyang makasama sa movie ang anak.
* * *
Ang tantiya ni Jomari Yllana, aabot sa 50 ang entourage nina Kris Allen, Jabbawockeez, at Boyce Avenue na magkakasamang magpi-perform sa MusicFest 2010 concert. Sa February 3, darating ang performers and the next day, pupunta agad sa Cebu para sa February 5 concert at sa February 6, concert sa McKinley Hill Open Grounds.
Ang Fearless Productions nina Jomari at Ronald at Ryan Singson ang producer ng concert ng winner ng Season 8 ng American Idol. Si Ronald din ang nagbuo ng combination at inendorse kina Jomari.
Sabi ni Jomari, bongga ang concert sa Cebu from the equipment, sounds, and lights at malaki ang budget dahil magpapakilala ang Fearless Productions sa Cebu at pauna na sa ipoprodyus nilang concert sabay sa Sinulog next year with a big artist.
Bilang business partner ni Ronald, tinanong si Jomari sa relasyon nina Ronald at Lovi Poe, pero wala siyang alam although nakikita niyang kasama ni Ronald si Lovi.
“Hindi ako nagtatanong ng relasyon nila dahil kung may magdi-deny, dapat sila ‘yun. I can’t judge them, I respect them at tingin ko, parang nasa dating stage sila. Kayang-kaya nilang sagutin ang isyu sa kanila, napagdaanan ko na ‘yun,” wika ni Jomari.
* * *
Masayang ibinalita ni Gerard Salonga na naka- schedule ng limang concert for 2010 ang FILharmoniKa Orchestra, kung saan siya ang artistic director at chief conductor. Dagdag na balita ni Gerard na sa PhilAm Life Theater sa Manila gagawin ang concert ng FILharmonika, the perfect venue raw for an orchestra dahil maganda ang accoustic.
Sa February 19, ang symphonic inaugural gala, 8:00 p.m. produced ng Ambient Media. Ang April 17 concert, kasama ng FILharmoniKa si Richard Bamping ng Hong Kong Philharmonic Orchestra and considered the world’s greatest cellist sa Dvorak’s Cello Concerto. Si Cecile Licad naman ang kasama ng grupo sa July 2 & 3 sa Gershwin’s Piano Concerto.
Hindi deretsong sinagot ni Gerard ang tanong namin kung bukod kay Lea Salonga, sino sa mga local singer ang magaling para sa kanya?
“That’s a loaded question. This is my real answer at hindi ito showbiz. I enjoy working with the performers I’ve worked with at lagi akong may nakikitang maganda sa kanila. It’s not always the voice, puwedeng work ethics and I’m very fortunate to work with good performers with gifted voice,” napaka-safe na sagot ni Gerard.
- Latest