Raymond nagwawaldas ng pera sa kaka-biyahe
The last celebrity well wisher to have arrived sa birthday party ng kaibigang Gorgy Rula at the Kaboom Bar on Timog Ave. was Lani Mercado.
Pasado alas dose na ’yon, bale bisperas ng kaarawan ni Tito Gorgy (which is today). Hindi kasamang dumating ni Ate Lani (the way she’s being addressed in Cavite) ang kanyang asawang si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil nasa Isabela ito.
Nasa iisang mesa lang kami kasama si Malou Choa-Fagar at mga kaibigang reporters na sina Jun Nardo at Dondon Sermino at aktor na si Ricky Davao, out of the blue ay ibinalita ni Lani that she met Edgar Mande by accident. Sa mga magtatanong kung da who si Edgar Mande, dati siyang bahagi ng tinaguriang Liberty Boys ni Alfie Lorenzo who, incidentally, is holding his 71sth birthday party tonight at Mother’s Lily Monteverde’s Imperial Suites courtesy of Tita Malou’s Wednesday Club.
* * *
Mismong si Raymond Gutierrez na rin ang nagsabi na isang myth o kapaniwalaan lang na ’pag may sakit siya, it follows na may dinaramdam din ang kanyang kakambal na si Richard. Nagkakahawahan lang ang mga (twin) siblings due to their physical closeness, but there is no scientific explanation to the twin ailment.
Kambal man sina Chard at Mond, hindi rin ibig sabihin that both share common interests and persuasions. Ibinuko nga ng kanilang inang si Annabelle Rama ang pagiging waldas ni Mond whose savings are spent on lavish travels abroad.
What an irony. Isinusulong ni Chard ang Planet Philippines which is now on DVD, taking pride in our country’s natural resources, samantalang hindi pa nararanasan ni Mond na mabighani sa ating mga tanawin.
* * *
Kung merong PDA as in Public Display of Affection, ipinauso ng isang gay TV host ang PDD as in Public Display of Desperation.
Eksena ito sa isang bar somewhere in Quezon City. Nasa isang mesa ang isang Fil-Jap castaway ng isang reality show whose name sounds like a famous car brand (need I say who?).
Tamang-tama namang naroon din ang gay TV host, agad na lumapit sa kursunadang boylet at binulungan munang “huwag kang maingay… huwag kang maingay.”
At eto ang kasunod: “Patsu… ka sa akin, babayaran kita ng five thousand! Hindi ka pa naman sikat eh!”
Natural, ikinawindang ’yon ng boylet. Hindi niya kasi akalain na ganoon pala ang istilo ng gay TV host na mataas pa mandin ang kanyang respeto.
“Sige po, text ko na lang kayo,” was the boylet’s polite way of rejecting the indecent proposal.
Nang mapahiya ang bakla, sa ibang mesa naman siya naghanap ng mahahada sa kanyang pagka-desperada nung gabing ’yon.
Wish ko lang na paglabas ng blind item na ito at tanungin siya tungkol dito, he won’t lie!
- Latest