Imelda tumangging ginagamit si Mommy D.
Isang very emotional Imela Papin ang minsan ay dinatnan ko sa bahay niya sa North Fairview na nagri-react sa column ng isang kasamahan sa hanapbuhay. Sinasabi kasi sa column na ginagamit niya sa kanyang political career ang ina ng Pambansang Kamao (Manny Pacquiao) na si Dionisia Pacquiao o Mommy D.
“It was so unfair na sabihan niya ako ng ganun. Ang ginawa ko lang naman ay makipag-duet kay Mommy D., i-record ang duet sa States at pagdating dito ay i-launch ito. May masama ba dun?
“It was a gesture of gratefulness and appreciation dahil buong ningning niyang sinabi na idolo niya ako at alam niya lahat ng kanta ko. Wala ako dito nun, nasa States pero nakarating sa akin ang balita,” pagtatanggol ni Imelda.
Hindi lamang sa radio mapapakinggan ang duet nina Imelda at Mommy D. Inilunsad sa SOP Fully Charged nung Linggo ang pinamagatang Bakit na kasama sa bonus track ng album ni Imelda na may kapareho ring pamagat.
Bagama’t matagal nang iniidolo ni Mommy D. ang tinaguriang Undisputed Jukebox Queen, nagkakilala lamang sila nang pumunta ng Las Vegas ang ina ni Manny para suportahan ito sa laban niya kay Miguel Cotto. Ipinasundo siya ni Imelda sa isang limousine at dinala sa New Orleans Hotel na kung saan ay tumutuloy si Imelda at sabay silang nag-dinner.
Guest din si Mommy D. sa post-birthday concert ni Imelda sa Jan. 30 na pinamagatang One Special Celebration na gaganapin sa Aliw Theater, 8 PM. Kasama rin sina Gloria at Aileen Papin, mga kapatid ni Imelda na umuwi pa ng bansa mula USA para suportahan sa concert at kanyang paglahok sa pulitika. Kasama pa rin ang UE Chorale at UE Silanganan DanceTroupe. Prodyus ito ng Alyansa ng OFW at Women Power sa direksyon nina Randy Rufino para sa stage at Jobert Sucaldito para sa TV.
* * *
Ayaw patulan ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ang mga patutsada sa kanya ng kanyang kalaban sa pulitika. Maski na ang mga dokumento na ipinakikita nito sa publiko ay ayaw niyang patulan dahil black propaganda lamang ito at naglalayong siraan siya sa mata ng tao.
“Maski ako hindi ko naiintindihan kung ano ang mga iyon. Ginagawa lamang niya para sa sarili niyang kapakanan. Ako, ibinibigay ko ang sarili ko sa mga taga-Lungsod ng Quezon, backed up by my 25 years of faithful service to them. Ito lamang, mas gusto ko ng positive campaign, ayaw ko ng batuhan ng putik,” sabi ni Bistek sa blowout na ibinigay ng matriarka ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde para kay Joy Belmonte, tatakbong katuwang na bise sa darating na eleksiyon.
* * *
Magsisilbing isang grand reunion ng mga Eigenmanns ang magiging kasal ni Ryan Eigenmann sa ika-28 ng February na magaganap sa Coconut Palace. Uuwi mula sa US ang kanyang amang si Michael de Mesa kasama ang brother niyang si AJ. Ganun din ang mga grandparents niya na sina
Eddie Mesa at Rosemarie Gil at ilan pang kaanak na sa US na rin naninirahan.
Sina Geoff Eigenmann at AJ Eigenmann ang mga tatayong best men.
Isang Christian wedding ang magaganap between Ryan and his bride, Cathy Bordalba.
Ang ilan pang Eigenmanns na siguradong magbibigay ningning sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay ng groom to be ay ang auntie niyang si Cherie Gil, tiyuhing si Mark Gil at ang pinsan sa showbiz na sina Andi Eigenmann, Max Eigenmann, Gabby Eigenmann, at marami pang iba.
- Latest