^

PSN Showbiz

Carlene malabo nang makipagbalikan kay Dennis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Proud owner ako ngayon ng isang Prada bag, courtesy of Annabelle Rama. Tinupad ni Bisaya ang kanyang pangako na bibigyan niya ako ng mama­haling bag na magagamit ko sa pagbibiyahe ko sa ibang bansa.

Maraming salamat kay Annabelle at sa kanyang mga anak na anak-anakan ko rin. Hindi pa rin nag­ba­bago si Bisaya dahil kung generous ito noong da­laga pa siya, mas ge­nerous siya ngayon. Thank you, thank you!

* * *

Ibinigay sa akin ni Annabelle ang Prada bag nang magkita kami noong Linggo sa birthday party ni Gorgy Rula sa Kaboom.

Ngayon talaga ang birthday ni Gorgy pero nag-celebrate siya nang maaga dahil uuwi siya ngayon sa probinsya.

Magka-birthday sina Gorgy at Alfie Lorenzo na magkakaroon naman bukas ng bonggang birthday party sa Imperial Palace Hotel.

Happy birthday Gorgy! Happy birthday Alfie!

* * *

Hindi ako nagtagal sa party ni Gorgy. Umuwi agad ako ng bahay dahil nanggaling pa ako sa live show ng StarStruck V.

Pito na lang ang remaining contestants ng artista search ng GMA 7. Titira na ngayon ang pito sa isang sosyal na hotel sa Ortigas Center at 24 oras na naka­tutok sa kanila ang mga TV cameras kaya magka­kaalaman na ng kanilang mga tunay na ugali.

Palapit na nang palapit ang grand finals ng StarStruck na gaganapin sa Araneta Coliseum. Kina­kabahan na ang mga bagets dahil lahat sila eh umaa­sa na sila ang magiging winner.

* * *

Nagpunta ang mga StarStruck contestants sa birth­day party ni Gorgy at nagpaunlak pa sila na ku­manta.

Nahasa na ang mga bagets na mag-perform sa TV kaya hindi na sila kinabahan nang sumampa sa stage ng Kaboom.

Nakaalis na ang mga bagets nang mapansin ni Allan Diones na nawawala ang kanyang cell phone. May suspect na sa nang-mating sa cell phone ni Allan na imbiyernang-imbiyerna dahil kleptomaniac daw ang gumetsing ng kanyang telepono. The who ang mag­na­nakaw? Ang tsismis, taga-showbiz din siya!

* * *

Naumay na ako sa mga interbyu kay Marlene Aguilar-Pollard, ang ina ni Jason Ivler. Gusto ko lang linawin na walang relasyon si Carlene Aguilar kay Marlene. Nagkataon lang na magkatunog ang kanilang name.

Dumating si Carlene sa party ni Gorgy at kasama niya ang kan­yang boyfriend na si Yo Ocam­po. Mukhang in love na in love ang da­lawa sa isa’t isa. Matagal na rin ang kanilang re­lasyon kaya malabo nang magkabalikan pa sina Carlene at Dennis Trillo, kahit may anak na sila.

Hindi lang ako ang naumay sa mga isyu tungkol kina Marlene at Jason. Nasasawa na rin pala ang ibang mga tao dahil paulit-ulit na ang mga kuwento na kanilang nari­rinig. Karamihan sa mga nakakausap ko eh naniniwala na si Jason ang bumaril sa anak ni Usec. Renato Ebarle.

Hindi anila sila magpapadala sa kuwento ni Marlene na posibleng ang kanyang bodyguard na British ang may kagagawan ng krimen.

Kung talaga raw inosente si Jason, bakit nagtago siya nang matagal? Bakit hindi siya sumuko sa batas at nagpa­liwanag na ibang tao at hindi siya ang sangkot sa road rage incident? Malilito lamang si Marlene kung patuloy nitong lilituhin ang mga imbestigador sa kanyang nakakalitong state­ments!

* * *

Hindi ko napapanood ang Pinoy Big Brother (PBB) kaya ipi­nauubaya ko sa reader na si Rolando Palino (rolan­do.­pa­[email protected]) ang pag-e-emote. Nagrereklamo si Rolando dahil hindi siya pabor sa mga tasks na ibinibigay ni Big Brother sa mga housemates: “Ano ba namang klaseng palabas ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, wala nang saysay ang mga ipinapagawa ni ‘KUYA’!

“Wala na bang matino-tinong maisip ang mga researchers ng palabas na ’yun? Tama ba na kampihan niya ang mga ex-house­mates at ipapanood sa kanila ang video ng mga ginagawang pagde­pensa ng non-evicted housemates sa loob ng bahay niya?

“UNFAIR ’yun! At ’wag niyang sabihin na ginawa niya ’yun para su­bu­­kin ang emosyon ng mga tao sa loob ng kanyang bahay.

Eh kahit na sinong tao ang ilagay niya dun eh magagalit at hindi matu­­tuwa sa mga ipinapagawa nya! Oo nga’t bahay niya ’yun at kahit ano ay puwede niyang gawin pero sana maisip niya ang mga viewers na hindi na natutuwa at naiirita na sa mga nangyayari sa loob ng bahay!

“FAIRNESS and EQUALITY, alam ba nila ’yun? Ginawa niyang mga tanga at hindi marunong mag-isip ’yung mga evicted housemates sa pagkampi na ginawa niya.

“Hindi niya hayaang umisip ng strategies ang mga evicted house­mate para sa task na gagawin nila na panggugulo sa kabilang bahay. Kaya imbes na ituloy namin ang panonood sa mataas na rating na palabas na ’yun eh pinindot na lang namin yung OFF ng remote control at natulog na lang. Totoo nga ’yung nabasa ko sa isang paha­yagan na gagawin ni ‘KUYA’ ang lahat para lang mapanatili ang kan­yang rating na kahit pa magturo ito ng hindi tamang asal sa mga mano­nood!!

“At ’wag din sana na ito ang maging dahilan ng pagbaba ng ratings ng kanyang show. Baka mapag-isip-isip din ng ibang viewers na hindi na tama ang mga ginagawa niya at ang mga nangyayari sa kani­lang pinapanood at maisip nila na pindutin din ’yung OFF ng ka­nilang remote control o ’di kaya ’yung numerong ‘7’ na lang.

GORGY

LANG

MARLENE

NANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with