DZMM may Chismax at trabaho.
MANILA, Philippines - Matapos gumawa ng pangalan bilang showbiz columnist, papasok naman sa broadcasting si Dolly Anne Carvajal bilang host ng bagong showbiz talk show sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM Teleradyo na CHISMAX: Chismis to the Max.
Tuwing Linggo, mapapakikinggan at mapapanood sa Chismax ang entertainment columnist, kasama ang kapwa showbiz writer na si Ambet Nabus.
Ilang linggo pa lang sa ere ay gumawa na ng ingay ang Chismax dahil sa kanilang mga pasabog tungkol sa mga kontrobersyal na artista. Pero hindi lang daw tsismis ang mahihita sa Chismax. Mayroon din daw live interviews at features ang programa ng magkaibigan at magkaklase pa.
Bukod sa Chismax, may isa pang bagong programa ang DZMM, ang Trabaho, Panalo kasama si Jasmin Romero. Balita ang dala ni Jasmin sa Radyo Patrol Balita Alas Kuwatro pero sa Trabaho, Panalo, mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang propesyon ang tatalakayin niya para naman mapabuti pa ang trabaho ng mga Pilipino.
Samantala, magkasama naman sina Vic De Leon-Lima at Cheryl Cosim sa Todo Balita na gigising sa sambayanan sa pamamagitan ng mga pinakamainit na balita at isyu sa bansa tuwing umaga.
- Latest