^

PSN Showbiz

Panlalait ng bayan nasisikmura ni James: Kris at James lovey-dovey na naman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nanay din ako kaya naiintindihan ko ang dam­damin ni Marlene Aguilar tungkol sa kanyang anak na si Jason Ivler.

Isa lang ang hindi ko maintindihan, ang dialogue ni Marlene na mabait na anak si Jason at si Colby ang kanyang problem child.

Base sa sinabi ni Marlene, anak din niya si Colby pero kung hindi si Jason ang problem child, ma-imagine n’yo ba ang mga problema na ibi­nibigay ni Colby sa kanyang madir?

Instant celebrities ang mag-inang Marlene at Jason. ‘Yung kasikatan at atensiyon na hindi ibi­nigay kay Jason noong nag-aartista siya, nara­ranasan niya ngayon dahil pumatay siya ng mga tao. Iba na talaga ang moralidad ng mga tao.

Para sa mga karagdagan na impormasyon tungkol kay Marlene, watch n’yo ngayong hapon ang Startalk dahil pumayag siya na mag­painterbyu kay Butch Francisco as in exclusive interview!

* * *

Dapat ba tayong magulat sa admission ni Kris Aquino na lovey-dovey na uli sila ni James Yap?

Isa lang ang hindi ko ma-take, hinahayaan ni James na isapubliko ni Kris ang mga personal na problema ng kanilang relasyon.

Paano nati-take ni James na lahat ng nangya­yari sa buhay nila ni Kris eh nalalaman ng buong mundo? Imposibleng hindi nakararating kay James ang opinyon at impresyon sa kanya ng madlang-bayan. Hindi ba puwedeng iparamdam ni James na siya pa rin ang padre de pamilya?

* * *

Sigurado nang may matsutsugi bukas sa Starstuck dahil nagamit na namin nina Iza Calzado at Floy Quintos ang aming power na huwag magtanggal ng contestant noong naka­raang Linggo.

Tutukan ninyo bukas ang Starstruck dahil tiyak na may magpapaalam. Nasa kamay na ng mga texter ang kapalaran ng mga contestant na ka­nilang sinusuportahan.

* * *

Ang mahaba at magandang shape ng legs ni Jackie Rice ang unang napapansin ng mga mhin na nakakakita sa kanya.

Maganda ang legs ni Jackie kaya parang ang tangkad-tangkad niya na tingnan. Nagluka-lu­ka­han si Jackie noong bagong salta siya sa showbiz.

Noon daw ‘yon dahil malaki na ang kanyang ipi­nagbago. Seryoso na raw siya sa kanyang show­biz career dahil na-realize niya na hindi na siya bumabata.

Maraming opportunities ang pinakawalan noon ni Jackie dahil pinairal niya ang kanyang puso. Inuna ng hitad ang pakikipagrelasyon kay Bi­boy Ramirez. Baka big star na si Jackie kung hin­di siya nagluka-lukahan noon.

* * *

Kinaiinggitan si Richard Gutierrez ng mga ka­la­lakihan. Bihira kasi ang katulad ni Richard na na­gi­ging kaibigan ang kanyang mga ex-girlfriend.

Magaganda ang mga ex-girlfriend ni Richard na sina Anne Curtis at Georgina Wilson. Magka­kaibigan ang tatlo. Sina Anne at Georgina ang mga special guest ni Richard sa birthday party nila ni Raymond Gutierrez.

Bihira na ang ganyang mga relasyon. Na nagi­ging mag-bestfriend ang mga ex ng isang lalake at silang tatlo ang close. ‘Yun nga lang, mukhang walang balak si Richard na balikan ang sinuman sa kanyang mga ex dahil happy siya sa mga nang­yayari ngayon sa buhay niya. 

ANNE CURTIS

BIHIRA

COLBY

DAHIL

KANYANG

MARLENE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with