Nasabugan sa Glorietta, tuloy ang buhay
MANILA, Philippines - Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas nang masira ang kalahating mukha at mabulag si Leah Imbon, isa sa mga nabiktima ng pagsabog sa Glorietta mall sa lungsod ng Makati.
Manananghalian lang sana sa mall si Leah, isang maybahay at lider ng isang homeowners’ association sa Cavite.
Kasama ang isa pang kapitbahay, lumuwas siya upang tulungan ang mga kapitbahay na nanganganib mawalan ng tahanan dahil sa problema sa loans.
Pagpasok sa gusali ay isang eksplosyon ang bumati sa kanila na muntikan nilang ikamatay.
Saksihan ang naging laban nila Leah ngayong Huwebes sa I Survived kasama si Ces Drilon, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
- Latest