Mag-ina magtatagisan ng akting
Sa bagong serye ng GMA 7, ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita na magsisimulang umere sa January 25, sa Dramarama sa Hapon pagkatapos ng Kaya Kong Abutin ang Langit., itatampok ang mother-daughter tandem nina Jean at Jennica Garcia.
Bagaman at matagal nang kinikilala ang kagalingan ni Jean bilang aktres, dito sa serye maging siya ay nakita ang napakalaking potensiyal ni Jennica na makatulad niya.
Binubuhay nilang mag-ina sa TV ang mga roles na ginampanan nun ‘80’s sa pelikula nina Rita Gomez at Lorna Tolentino.
Ang TV version ay dinidirek ni Gil Tejada at mayroon itong theme song na ginawa ni Alfonso Coke Bolipata.
Sa isang interview, inamin ni Jean na hindi mahirap katrabaho si Jennica.
“Pero never ko siyang tinuturuan ng gagawin niya. Gusto ko kasing ilabas niya kung anumang talino meron siya. Nagugulat na lang ako dahil nakikita kong napakahusay niya. Laban kung laban siya, parang ayaw magpatalo sa akin,” papuri ng ina sa anak.
Hindi naman affected si Jennica sa pagkukumpara sa kanila ni Jean. At wala siyang pagnanais na mahigitan ito.
“Basta ako, ginagawa ko lamang ang hinihingi ng role ko, wala sa isipan ko na maging mas magaling sa kanya. Hapi lang ako na magkatrabaho kami,” sabi naman ni Jennica.
* * *
Puwede nang hindi mag-artista si Karla Estrada. Bukod sa nauubos ang panahon niya sa pag-aasikaso sa napakalawak na farmland na namana niya, siya pa rin ang humahanap ng paraan para magawa itong kapaki-pakinabang.
“Hindi madali at napaka-time consuming. Kinailangan ko ngang ipagbili ang kalahati nito para makakuha ako ng pera na magagamit para mapataniman ang kalahati. Napakaraming dapat gawin.
“No, hindi ko naman maisasakripisyo ang pag-aartista ko. Passion ko ito, pinaliligaya ako nito. Hindi naman puwedeng trabaho lang ako nang trabaho at mabuhay ng parang isang haciendera, although kaya kong gawin ito pero hindi naman ako magiging completely happy. Kaya heto tumatanggap pa rin ako ng mga projects,” sabi niya.
Kasama siya sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita ng GMA7.
* * *
Kahit kinailangang iwan kaagad ni presidentiable Gilberto Teodoro ang napakalaking salu-salo na ibinigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa Xavier School dahil meron pa siyang ibang pupuntahan, naging masaya ang dinner na ginanap sa Manila Polo Club at dinaluhan ng napakarami niyang ka- ibigan, pamilya at supporters.
Yun lang yata ang maituturing kong politi- cal gathering na dinaluhan ko na napakaraming magagandang babae. Puwede silang artista pero, parang lahat sila, kuntento na sa kanilang pribadong buhay at lumalabas na lamang kapag may sinu-suportahan na katulad ni Gibo.
Napakaganda rin ng maybahay ng presidentiable na nagpaiwan sumandali para asikasu- hin ang napakaraming supporters ng kanyang asawa.
- Latest