^

PSN Showbiz

James naghahanap ng matitirhang condo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Walang kinalaman sa showbiz si Marlene Aguilar-Pollard pero pinag-uusapan siya ng mga showbiz reporter dahil kapatid siya ni Freddie Aguilar.

May mga bumabatikos kay Marlene dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kinaroroonan ng kanyang anak na si Jason pero marami rin ang nakakaunawa sa ginawa niya dahil isa siyang ina.

Sa totoo lang, naawa ako kay Marlene nang mapanood ko siya sa TV na nakaposas. Dahil sa kanyang sobrang pagmamahal kay Jason, nadamay siya sa kaso. Kung isinuko ni Marlene sa mga pulis ang anak niya, hindi pa ito masusugatan at hindi siya makukulong ng isang gabi sa NBI headquarters.

Puno ng aksiyon at drama ang buhay ng mag-ina. Pupusta ako na may mga writer sa TV o pelikula na makakaisip na igawa ng kuwento ang nangyari kina Jason at Marlene.

Abangan natin ang ganyang plot sa mga teleserye.

* * *

May nagtatanong kung hiwalay na ba si J sa kanyang asawa. Sa isang kasalan na ginanap, pinapuwesto raw sa isang lugar ang lahat ng single ladies at dito tumayo si J.

Natsismis noon na hiwalay na si J pero hindi siya nagsalita o nagpainterbyu. Ang duda ng aking mga source, mukhang natuloy ang pakikipag­hiwalay ni J sa kanyang mister kaya malakas ang loob niya na sabihin na single na uli siya!

* * *

Kahapon ang presscon ng Ina Kasusuklaman Ba Kita? Ang dami-daming artista ang kasali sa ba­gong drama show ng GMA 7 na ipapalit sa time­slot ng Ikaw Sana na magwawakas sa Biyernes.

Kasali sa cast ng Ina Kasusuklaman Ba Kita? ang mag-inang Jean at Jennica Garcia, Ariel Rivera, Lloyd Samartino, Regine Tolentino, Dion Ignacio, Luis Alandy at ang mag-dyowang Paulo Avelino at LJ Reyes. Hindi pa inaamin nina Paulo at LJ ang kanilang re­lasyon. 

* * *

Isang showbiz personality ang tumawag sa cellphone ni Mother Lily Monteverde habang on-going ang presscon ni Joy Belmonte.

Nabalitaan yata ng showbiz personality na may kinalaman si Mother Lily sa presscon ni Joy kaya nagparamdam din siya.

Hindi ko sasabihin ang name ng showbiz per­sonality. Baka lalo siyang ma-insecure kapag na­la­man niya na nagustuhan si Joy ng enter­tain­ment press dahil sa kanyang sincerity at kata­linuhan. Matalas ang pakiramdam ng mga reporter. Knows nila kapag pinaplastik sila ng kanilang mga kausap at never nila itong naramdaman kay Joy, ang next Vice-Mayor ng Quezon City!

* * *

Huwag na nating asahan na magpapainterbyu si James Yap sa TV tungkol sa temporary separation nila ni Kris Aquino.

Ilang beses nang nasangkot si James sa mga kontrobersiya at nagsasalita lamang siya kung nasa tabi niya ang kanyang misis.

Idinenay ni James ang balita na naghahanap siya ng condo na malilipatan pero mga tao sa kanyang paligid ang source ng impormasyon.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

DION IGNACIO

FREDDIE AGUILAR

IKAW SANA

INA KASUSUKLAMAN BA KITA

MARLENE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with