Andrea ni katiting ayaw magkuwento sa nakabuntis sa kanya
Non-showbiz guy, this much Andrea del Rosario can say about the guy who got her pregnant.
A little more than four months nang buntis ang sexy star at malakas ang kanyang kutob na magsisilang siya ng baby girl. Pero ang nakakatawa, wala pa siyang naiisip na pangalang ibibigay sa sanggol, but she has a long list of baby boys’ names.
As for her partner, ni katiting na background nito’y ayaw niyang ikuwento, pero one thing’s for sure, walang sabit ang lalaki. Hindi man din daw maituturing na traditional ang set-up ng kanilang pagsasama, all that matters, according to Andrea, ay masaya siya sa kanyang pagiging isang ganap na ina barely five months from now.
Samantala, ang kagrupo ni Andrea sa Viva Hot Babes na si Katya Santos ang isa sa mga natutuwa para sa kanya. Sa hitsura ngayon ni Katya, mapagkakamalan nga lang na nanganak na siya.
* * *
Tiyak ni Lolit Solis na imbiyerna na naman sa kanya si Kris Aquino with her statements made in Startalk’s Itapat sa Apat segment. Hindi kasi sang-ayon ang manager-TV host sa babala umano ni Kris sa female fan ni James Yap to stay away from married men, kung totoo ngang sinabi iyon ni Kris kay Mayen Austria.
Hindi tuloy naiwasang kalkalin ni ’Nay Lolit ang kaugnayan noon ni Kris kina Phillip Salvador at Joey Marquez na very much married at that time. Panay naman ang salag ni Ricky Lo sa kanyang co-host who holds the key to the story.
Ayon kay Tito Ricky, Mayen is no alien to Kris. Dati palang schoolmates ang dalawa, including Kris’s cousins, sa Poveda Learning Center. Mentally unstable kung ilarawan ni Tito Ricky si Mayen, na madalas ay lovelife nito ang pinag-uugatan.
* * *
Simula noong Lunes, hindi n’yo na po napapanood sa Unang Hirit si Eagle Riggs. Nitong January 15 kasi, Biyernes, ang kanyang itinakdang huling umaga from the early morning news program he had worked for sa loob ng siyam na taon.
Pero para sa mga huling nakasulyap kay Eagle during the early preparations for the Sto. Niño feast, it was as if it wasn’t his farewell appearance. It was business as usual for Eagle na mukhang ang nagbigay pa ng despedida party sa kanya ay ang mga taga-Tondo at ang ipinagmamalaki nilang menudo!
I was expecting a bit of respect sana due Eagle from the GMA News and Public Affairs, kung saan sa studio siya in-assign amidst a row of ex-deal, sponsored caterings, but none of those was served.
Nilalambing daw si Eagle to stay with UH until January 30 dahil hindi pa raw klaro ang pagre-reformat nito. But Eagle begged off. Prinsipyo ang umiral sa kanya, what extension nga naman are they talking about, isn’t that adding insult to injury?
Soar high, sister. Patunayan mo that across the sky, malawak ang liliparan mo. And I am beneath your wings.
- Latest