^

PSN Showbiz

Ryan may 'Misteryo' na sa Q

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Tuwing Linggo, 10:00-10:30 ng gabi, sa QTV 11, mapapanood si Ryan Eigenmann na mag-host ng kanyang kauna-unahang reality TV na pinamagatang Misteryo. Susubukin sa show na ipadanas sa mga manonood ang the unknown. Tulad ng kanyang manonood, susubukin ni Ryan na magkaroon ng malawak na kaisipan at maging matapang sa mga ipakikita sa Misteryo.

* * *

 Ako, sa totoo lang ay lungkot na lungkot sa nabalitaan kong nalalapit na paghihiwa-hiwalay ng APO. Nasanay na tayong naririyan lamang sila, handa anytime na mapanood at makita sila, kung nami-miss na natin sila.

There was a time na nagkatapat ang mga palabas namin sa TV, sila sa ABS-CBN at ako sa GMA 7 pero naging friendly competition yun, isang paraan para makita ng manonood na marami tayong talento na puwedeng magtapat pero hinding-hindi mawawala ang respeto sa isa’t isa.

Huling konsiyerto na raw nila ang Last Valentines nAPO Nila na magaganap sa SMX Convention Center sa Pebrero 13. Ito ay matapos ang 40 na taong pagiging isang matagumpay nilang grupo. Puwede silang maging mga solo artist at gumanap ng mga trabahong hindi sila magkakasama pero ang hindi mapuputol ay ang kanilang friendship.

Nakakalungkot na ang nagbunsod sa kanila para buwagin ang APO ay ang hindi magandang pagtanggap ng tao sa ginawa nilang album na nagtatampok ng kanilang pinaka-popular na mga awitin. Naramdaman daw nila na nauunahan na sila ng mga kabataang grupo. “We have to accept it graciously,” ani Jim Paredes na sinang-ayunan naman nina Buboy Garrovillo at Danny Javier.

* * *

Napanood ko yung wedding ni Ciara Sotto sa TV at nagtaka ako kung bakit iniiyakan ng kanyang ina (Helen Gamboa) ang kanyang kasal eh mukha namang okay ang kanyang napangasawa. At hindi naman pala ito matanda na tulad ng inaakala ko. Guwapo nga ito at matikas pa. Makasisiguro siya na mamahalin nito ang kanilang bunso ni Tito.

At hindi rin naman si Ciara ang first marriage sa mga anak nina Tito at Helen. May asawa’t mga anak na rin ang ate ni Ciara na naging konsehala ng QC. Married na rin naman ang kuya Gian niya na patuloy din sa kanyanag pag-aartista at pumasok na rin ng pulitika.

Ganito lang siguro ang reaksyon nila dahil bunso si Ciara, baby pa kung ituring nila. Pero nasa edad na ito para lumagay sa tahimik.

It was a beautiful wedding. Pati si Pia Guanio, ang ganda-ganda. Nagtaka nga ako nung una kung bakit sabi ko overdressed siya, until ma-realize ko na part of the family nga pala siya bilang girlfriend ni Vic Sotto. Sa halip na maging guest lang, kailangan niyang i-cover ang event bilang bahagi ng kanyang trabaho as host ng Showbiz Central. Congratulations, Jojo and Ciara Sotto Oconer.

* * *

Okay na walang lovelife si Pops Fernandez. Huwag na tayong magmarunong pa para bigyan siya ng lalaki na magbabago lamang sa masayang takbo ng kanyang buhay ngayon. Kung may boyfriend ba siya ay makaka-arte sila ng napaka-romantic ni Martin Nievera?   Napapakilig nila tayo, di ba? Okay na yun.

At saka with her being loveless, mas may time siya kina Ram at Robin. Dapat samantalahin niya ito habang mga binata pa sila. Soon, magkakaroon na sila ng kani-kanilang lovelife din kaya mientras wala pa, sila na muna ng kanilang ina.

BUBOY GARROVILLO

CIARA

CIARA SOTTO

CIARA SOTTO OCONER

CONVENTION CENTER

DANNY JAVIER

HELEN GAMBOA

JIM PAREDES

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with