^

PSN Showbiz

Joy may 'karanasan' kay Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko pinanood kahapon ang Golden Globe Awards dahil inuna ko ang pagpunta sa lunch date sa entertainment press ni Joy Belmonte, ang next Vice-Mayor ng Quezon City.

Ginulat ni Joy ang showbiz press dahil hindi nila ina­kala na mahusay magsalita si Joy at hitik siya sa karanasan.

Mahihiya sa achievements ni Joy ang ibang kan­didato na walang alam kundi ang manira ng kapwa.

Bukod sa pagiging archaeologist, naranasan ni Joy ang pumunta sa malalayong probinsiya para tulungan ang ating mga unfortunate na kababayan.

Sanay si Joy na makihalubilo sa mga tao. Mag­ka­klase rin sila ni Kris Aquino sa college pero mata­­gal na silang walang communication.

Natawa ako sa kuwento ni Joy tungkol sa mga nakaraan nila ni Kris. May assignment na ibinigay ang kanilang professor, ang mag-interbyu sila ng mga ordinaryong tao.

Sinabi raw sa kanya ni Tetay na may iinterbyu­hin na sila, isang ordinary policeman. Naloka si Joy nang ipakilala sa kanya ni Kris ang ordinary policeman, si General Alfredo Lim na head noon ng Western Police District.

* * *

May vision si Joy para sa Quezon City. Pareho sila ng kanyang tatay, si QC Mayor Sonny Belmonte.

Last term na ni Papa Sonny at kung papalarin si Joy na mahalal, ipagpapatuloy niya ang mga proyekto ng kanyang ama sa Quezon City.

Ang husay-husay ni Joy na magsalita. Na-feel ko ang kanyang sincerity. Take note, hindi siya nanira ng mga kalaban niya sa pulitika. Inilatag lang niya sa showbiz press ang kanyang mga pangarap para sa Quezon City.

* * *

Si Sarah Geronimo ang favorite singer-actress ni Joy. Gustung-gusto niya si Sarah dahil maganda itong role model sa mga kabataan.

Pansinin ninyo na papasa na magkapatid sina Joy at Sarah dahil malaki ang pagkakahawig nila. Hindi ako magugulat kung i-endorso ni Sarah ang kandidatura ni Joy.

* * *

Hindi pulitiko si Joy. Ayaw niya na mamulitika. Mas mahalaga sa kanya na makatulong sa kapwa.

Kukulangin ang space ng aking column kung isusulat ko ang mga achievement ni Joy. Bata pa si Joy sa paningin ng ibang tao pero para siyang nanay na madaling lapitan at pagsabihan ng problema. Napaka-pleasant ng kanyang per­sona­lidad. Siya ang tipo ng tao na hindi intimidating.

* * *

Narinig ko kahapon ang kuwentuhan tungkol kay Mayen Austria. How true Mama Salve na may kopya ka raw ng litrato ni Mayen, ang girl na pinagselosan ni Kris?

Intrigang-intriga ang mga tao kay Mayen. Gusto nilang ma-sight ang kanyang face. Type malaman ng mga intrigera kung may karapatan si Kris na pagselosan si Mayen.

Kung naging kaklase ni Kris si Mayen sa Poveda, puwedeng kilala rin siya ni Joy dahil nag-aral din ito sa Poveda.

ALFREDO LIM

GOLDEN GLOBE AWARDS

JOY

JOY BELMONTE

KRIS AQUINO

MAYEN

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with