^

PSN Showbiz

Nagda-drugs pa rin? Rakista wala sa sarili kung sumagot

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Nakapag-diet na si Mariz kaya slim na slim at mukha pa ring dalaga kahit may dalawa nang anak na bagets. Kuwento ng singer-actress na sa bagong trabaho ng asawang si Ronnie Ricketts bilang chairman ng Optical Media Board ay kinakabahan siya dahil delikado ang posisyon at wala itong inuurungang tao kesehodang mataas ang posisyon o titulo.

“Pati nga ang date namin ay ’di na rin natutuloy lalo na kapag meron siyang raid para sa anti-film piracy. Minsan ay manonood sana kami ng sine pero nang may tumawag dahil sa inihahandang raid ay tinawagan nito ang family driver namin at pinahatid na lang ako sa aming bahay. Kadalasan laging ganoon ang nangyayari sa aming dalawa,” himutok ng misis.

Sinabi pa rin ni Mariz na minsan ay desisyon na lang ni Ronnie ang nasu­sunod at hindi naikukon­sulta sa kanya dahil sa kinakabahan ito. Dalawang dalagita na ang anak nina Mariz at Ronnie – si Marcella na 15 years old at si Marie na 11 — na bukod sa matalino ang dalawa ay wala silang problema sa mga ito.

* * *

’Kaloka ang isang beteranong rock singer na kasama sa isang concert at binigyan sila ng presscon. Kapag tinatanong ito ay parang wala sa sarili at paliguy-ligoy ang mga isinasagot. Akala nga ng entertainment press ay nakainom ito pero hindi naman.

Gumamit daw kasi ito ng ipinagbabawal na gamot noon. Hindi kaya nasa influence pa rin siya ng drugs hanggang ngayon kaya tila nawawala sa sarili at kung anu-ano ang mga isinasagot?

Hindi tuloy maintindihan kung ano ang kanyang mga sinasabi.

vuukle comment

DALAWANG

GUMAMIT

KADALASAN

KALOKA

KAPAG

KUWENTO

MARIZ

OPTICAL MEDIA BOARD

RONNIE

RONNIE RICKETTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with