^

PSN Showbiz

Juday may ipinagawa sa mukha

- Veronica R. Samio -

May bed scene sina Kim Chiu at Gerald An­derson sa Kung Tayo’y Magkakalayo na ginawa ng maganda ni Direk Ruel Bayani kaya sa halip na magmukha itong sexy at bold ay naging cute at ma­ganda. Walang pang-itaas si Gerald habang naglalaro sila ni Kim.

“Hindi na nailang si Kim kasi sanay na siyang ma­kita akong nakahubad, simula pa nung ma-feature ako sa isang magasin. Sa halip nga na magalit ay sinu­suportahan pa niya ako. Ewan ko ba pero she’s supportive of me. At ganundin naman ako sa kanya. Hindi lang naman ako ang nagpapa-sexy sa tele­serye, si Kim din. Napakaiikli ng mga damit niya at super sexy talaga,” bungad ni Gerald.

“Okay naman kami ni Kim ng ganito. Mas interesting yung sitwasyon namin. Nagiging challenge sa amin yung pagmi-maintain ng relationship namin. Ang nakatutuwa, hindi namin pinagbabawalan ang isa’t isa na magkaka-crush sa iba, natural lang ’yun, hindi maiiwasan, kahit sa mag-asawa. Ang importante, hindi nawawala ang loyalty n’yo sa isa’t isa.”

Medyo na-miss nila ang isa’t isa nung Christmas holidays. Pumunta kasi si Gerald sa States nung Dec. 22 at bumalik lamang nung New Year.

* * *

Nakita ko si Judy Ann Santos sa isang komersiyal at sa totoo lang, hindi ko siya nakilala! Kailangang makalawa o makatatlong ulit ko siyang pagmasdan bago ako makumbinse na siya na nga ’yun. Ang ganda-ganda niya talaga. Parang sa tingin ko, ngayon lamang siya nagdadalaga.

Nagduda tuloy ako na may ipinaayos sa kanyang mukha ang itinuturing na Teleserye Queen ng ABS-CBN na ang Habang May Buhay ay magsi­simula nang umere sa Feb. 1 sa Kapamilya network.

vuukle comment

AKO

GERALD AN

HABANG MAY BUHAY

JUDY ANN SANTOS

KIM CHIU

KUNG TAYO

NEW YEAR

RUEL BAYANI

TELESERYE QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with