^

PSN Showbiz

Alagang aktor tsugi sa trailer ng bagong teleserye, manager nagrereklamo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagrereklamo ang manager ng isang model-actor na kasama sa cast ng soap na malapit nang umere dahil wala sa trailer ang kanyang talent. Maganda ang role ng model-actor sa soap, pero hindi siya makikita sa trailer.

Hindi lang namin alam kung ipinarating na ng manager ang reklamo niya sa staff na humahawak ng soap para magawan ng paraan na maisama kahit isang eksena ang talent niya sa trailer. Wala rin naman mangyayari kung sa mga kaibigan niya siya magrereklamo.

Ang konsuwelo na lang ng manager, binabang­git ng lead actress ng soap ang model-actor sa mga interviews sa kanya at pinuri rin ang acting at nag-i-effort maging magaling na actor.

Gumawa na rin ng pelikula ang model-actor and in fairness to him, maganda ang review sa kanyang acting.

* * *

Sunud-sunod ang pelikulang ginagawa ng Viva Films at mukhang babawi si Mr. Vic del Rosario at mga anak na sina Vincent at Veronique del Ro­sario-Corpus.

Isa sa tinatapos ay ang Of All the Things nina Regine Velasquez at Aga Muhlach. Kaya lang, tila hindi ito aabot sa Valentine’s Day presentation dahil may ilang eksena pang hindi nakukunan. Si Joyce Bernal ang direktor ng balik-tambalan nina Regine at Aga.

Mauuna pang matapos ang remake ng Working Girls na ilang araw na lang ang shooting. Bida rito sina Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Bianca King, at Ruffa Gutierrez, sa direction ni Joey Reyes na siya rin ang sumulat ng script. Puwede ring Valentine’s Day presen­ta­tion ang movie, para maiba naman ang pelikulang showing ’pag Feb. 14.

Sinimulan na rin ang shooting ng Hating Ka­patid nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos sa direction naman ni Wenn Deramas.

Ilo-launch ang comedian na si Vice Ganda sa Petrang Kabayo na kung inyong natatandaan, unang pinagbidahan ni Roderick Paulate sa Regal Films. Binili ng Viva Films ang rights ng material sa sumulat nitong si Pablo S. Gomez.

Last but not the least ay ang launching movie ni Cristine na may pamagat na Tumbok. Horror movie ito na tungkol sa maraming pamahiin nating mga Pilipino.

Dito mapapatunayan ni Cristine if she’s ready for stardom at hindi dahil sa kapareha niya kaya kumikita ang mga pelikulang kasama siya.

* * *

Sa pagpapatuloy ng Bakasyonistas episode ng Dear Friend, nag­kakagulo na ang anim na bakasyonistas. Ang dating sweet couple na sina Troy (Chris Cayzer) at Mia (Ryza Cenon) ay nag-aaway at nagka­kama­butihan naman sina Aaron (Rainier Castillo) at Tracy (Sheena Halili), pero biglang darating ang ex-BF ni Tracy at makikipagbalikan.

Si Alex (Mark Herras) ay tuluyan nang mai-in love kay Gina (Isabel Oli), pero malalaman ng dalaga na pinagpustahan lang siya nina Alex at Aaron. Hindi na ba magiging masaya ang bakasyon ng ating mga bida? Malalaman ang sagot mamaya sa Dear Friend after SOP.

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

BIANCA KING

CHRIS CAYZER

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEAR FRIEND

HATING KA

SHY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with