^

PSN Showbiz

JLC hindi makatayo sa kalasingan?!: 'I only fight for someone who's worth it' - Ruffa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nasagap ko sa Twitter — Tweet ng kapatid ng isang aktres: “Guessing game: someone called JLC can’t stand straight here in Fiamma (bar in Makati). This might just be an OMG moment? Too funny!”

Sumagot ang aktres sa nasabing tweet ng kapatid:

“There’s nothing more 2 say except-sayang ka! Sayang lahat ng blessings na binigay ng Diyos sa ’yo. Mga taong nag­ma­lasakit sa ’yo na binalewala mo. 

“My thoughts: I only fight for someone WHO’S WORTH IT. If not...then goodbye and good riddance! :)

“After an annoying phone call I’m finally in the arms of my precious angels. Saraaap! :) Now this is true love that can NEVER be replaced,” sabi ng aktres sa kanyang Twitter.

Ang kapatid ng aktres - si Raymond Gutierrez. Ang actress – si Ruffa. Ang JLC, si John Lloyd Cruz. Unless may ibang JLC sa showbiz na niri-refer ni Ray­mond na consistent na nali-link kay Ruffa.

Anyway, lately ay marami na namang nakakitang naglalasing ang aktor.

Marami ring issue ang lumalabas dahil dawit daw si John Lloyd sa hiwalayang John Prats at Shaina Mag­da­yao. At ang the height, madalas ngayong maki­tang tumo­toma ang dalawa.

Grabe kung true ito.

Hala, dapat magsalita si John Lloyd tungkol dito.

* * *

Uy, mukhang affected si Kris Aquino sa mga naglalabasang issue tungkol sa fan ng asawa niyang si James Yap na umano’y sinugod niya, si Mayen Austria. For the first time, nag-tape raw ang SNN na hindi usually ginagawa ng programa ever since mag­si­mula sila. Kahit wala si Kris at nagso-solo si Mr. Boy Abun­da, parati silang live.

Pero magsasalita nga­yong araw si Kris sa The Buzz tungkol sa na­sabing issue.

Oh, kaabang-abang ito.

Ano kayang sasabihin ni Kris tungkol sa issue sa kanila ng babaeng balitang batchmate niya sa high school and college na pinagselosan niya?

Araw-araw nagro-rosaryo si Kris kaya asahan natin na magsasabi siya ng totoo.

Saka kilala siyang madaldal kaya asahan na mga pasabog ang sasabihin niya.

* * *

Nag-sorry na pala si Ejay Falcon kay Erich Gonzales kaya ayos na sila. Mismong si Erich ang nag­kuwento na tapos na ang issue sa kanila ng leading man niya sa Katorse na may nasabing ikinasama niya ng loob.

“Wala na po ’yun. Nag-sorry na siya,” sabi ni Erich nang mag-guest siya sa 104th anniversary ng Navotas City the other night.

Kasama niya sa nasabing event (sa Navotas) ang ka-loveteam niyang si Enchong Dee na itinuturing niya ngayong bestfriend. Pa-sweet ang drama ng dalawa. May time na inaayos pa ni Erich ang hair ng ka-loveteam na young actor.

Malakas din ang dating ng dalawa sa audience dahil sa recall sa Katorse. At kahit sintunadong kumanta si Enchong, tilian ang mga taga-Navotas sa kanya.

Pero siguro kailangan nila ng konting practice sa pagkanta — sina Enchong and Erich, lalo na at malaki ang kinikita nila sa mga raket.

BOY ABUN

EJAY FALCON

ENCHONG AND ERICH

ENCHONG DEE

ERICH

JOHN LLOYD

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with