Bagong hitsura ni Jolina parang si Lady Gaga
“Soon” ang sagot sa amin ng isang tinanong kung kailan babalik sa SOP si Jolina Magdangal at magugulat daw ang viewers sa bagong image ng singer-actress. Ipinakita na raw sa mga taga-SOP ang pictures o video ng “new Jolina” na mala-Lady Gaga nga.
Umaasa ang mga nasa likod ng new image ni Jolina na magugustuhan at tatanggapin ng viewers ang bago niyang katauhan. Kaya lang, hindi raw muna ipapa-interview si Jolina sa press ‘pag nakabalik na siya sa SOP, bakit kaya?
Hindi na mami-miss ng kanyang fans si Jolina pagbalik niya sa SOP, samantalang tuloy pa rin siyang mapapanood sa Dear Friend at kasama siya sa cast ng Panday Kids as the mentor ng panday kids. Sa second quarter ng taon naman ito eere.
* * *
Pati sina Maxene Magalona at JC Tiuseco ay nagulat sa tsismis na break na sila dahil hindi pa nga sila umaaming mag-on, nag-break na agad. Last Christmas, iisa ang regalo nila sa mga kaibigang reporter at biniro pa nga ang aktres na pinatunayang mahal na mahal ang BF dahil pumayag na ang pangalan nito ang mauna sa conjugal gift nila.
Nakasulat daw sa gift tag ay “from JC and Maxene,” and no explanation needed at ‘wag na rin kayong magtanong kung bakit iisa ang gift nila na for sure, hindi dahil nagtitipid sila.
Pati sa Twitter ni Maxene, laging kasama si JC. Nanood daw sila ng Sherlock Holmes, sabay silang nagdyi-gym sa Gold’s Gym sa Galleria at na-LSS o Last Song Syndrome raw sila ni JC sa kantang Move ng SH3. O, di ba naman!
Obvious daw na pabor si Pia Magalona at mga anak nito sa relasyon ng anak at ni JC dahil nakikitang kasama sa lakad ng kanilang pamilya si JC. Kaya hindi namin maintindihan kung bakit kailangan i-deny nina Maxene at JC ang kanilang relasyon.
* * *
Dumating na yata ang big break na hinihintay ni Paulo Avelino dahil sunud-sunod ang project niya sa GMA 7. Mag-aabot pa nga ang StarStruck Shout Out! at ang afternoon drama at TV remake ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita?
Ang maganda pa, masusundan ang hosting job ni Paulo dahil kasama sila ni Arci Muñoz sa mga host ng bagong game show ng Channel 7 na magsisimula sa February.
Samantala, tiyak na muling magkaka-isyu kina Paulo at Jennica Garcia dahil sila ang magka-pareha sa Ina Kasusuklaman Ba Kita? Si Paulo na raw ang ipinalit kay Mart Escudero na ka-loveteam ni Jennica dahil ayaw na pareho ng kampo nina Jennica at Mart na magtambal pa sila. Pero paano na si LJ Reyes na sinasabing GF ni Paulo?
- Latest