^

PSN Showbiz

Pangit ipinagtanggol ni Kris

-

MANILA, Philippines - Sa ika-apat na araw ng The Last Prince, sa GMA 7, mas magugulo pa ang Palasyo ng Pala­dino at ang buhay ng bidang prinsipe.

Hindi magpapakita si Almiro (Aljur Abrenica) kay Lara (Kris Bernal); natatakot siya na baka ma­pa­hiya sa dalaga dahil pangit siya.

Pagsasabihan nina Rosata (Chanda Ro­mero) si Almiro; dapat nag­pakita ito kay Lara dahil baka siya na nga ang babaeng hinihintay nila. Manghi­hi­na­yang tuloy si Almiro.

Pagmamalupitan na­man ni Mayang (An­ge­­lu de Leon) si Lara. Magtataka ang lahat kung paano sumulpot ang mansion sa gitna ng gubat. Akala nila ay halimaw ang nakatira dito.

Big­lang maaalala ni Lara na may nagligtas sa kanya.

Bukas (Enero 15), magkakaroon ng bonggang party sa hardin ng mansion at lahat ay imbitado.

 Asar naman ang prinsipeng si Almiro kasi makikilala siya sa kanyang pangit na anyo.

Matutuklasang buhay pa pala si Prinsipe Javino (Geoff Eigenmann), kaya lang hindi ito tumatanda. Makikita ni Lara ang guwapong si Almiro at magkakagusto siya dito. Mapupulot na­man ni Bambi (Angelie Nicole Sanoy) ang bote ni Rizayo (Benjie Paras).

Pagtatawanan sa party ang kapangitan ni Almi­ro, ipagtatanggol naman siya ni Lara. Ang hindi alam ni Lara ay narinig pala siya ni Almiro, maiisip ni Almiro na si Lara na ang baba­eng makakabali ng sumpa.

Abangan ang mga susunod na eksena sa The Last Prince. 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

ANGELIE NICOLE SANOY

BENJIE PARAS

CHANDA RO

GEOFF EIGENMANN

KRIS BERNAL

LARA

LAST PRINCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with