TV5 sa April aariba!
Tulad ng iba’t ibang reality-based talent search ng ABS-CBN at GMA-7, may ongoing search ang Flawless para sa kanilang susunod na Flawless endorser - Picture Flawless kung saan 23 hopefuls ang sumali sa pagnanais na magiging daan din nila ito sa kanilang ambisyon na makilala at mapasok ang masaya ngunit magulong daigdig ng showbiz.
Among the 23 aspirants, nagka-interes ang ilang press sa 20-year-old na si Serafin Letim na taga-Pardo, Cebu dahil bukod sa guwapo, nakaka-intriga ang kanyang pinagmulan.
Ayon kay Serafin, ang isa sa main reason kung bakit siya sumali sa Picture Flawless ay para makilala siya at ito’y maging daan para makilala ang kanyang biological parents at mabuo na ang puzzle tungkol sa kanyang pagkatao.
Si Serafin ay in-adopt ng kanyang may pamilyang tiyuhin na naka-base na ngayon sa Sacramento, California sa Amerika although lumaki siya sa kanyang kinikilalang nanay-nayan at ang pamilya nito na siyang nag-alaga sa kanya simula pagkabata.
Ayon kay Serafin, ang kanyang adoptive parents (sa Amerika) ang nagpapaaral sa kanya pero ang kanyang pang-araw-araw na gastusin ay ang kanyang nanay-nanayan ang nagbibigay sa kanya. Nasa 4th year college na ng Business Administration sa San Carlos University sa Cebu City si Serafin.
Ma-drama ang buhay ni Serafin (junior) na puwedeng i-feature sa Maalaala Mo Kaya. Ang maganda sa kanya, hindi siya naging rebelde sa mga natuklasan niya tungkol sa kanyang pagkatao at sa halip ay nagsisikap siya bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nagbigay sa kanya ng pangalan, nagpalaki at nagpapaaral sa kanya.
Hindi ikinakaila ni Serafin na nami-miss niya ang kinagisnan niyang magulang na sina G. Serafin at Gng. Nora Letim at ang dalawa niyang kinilalang mga kapatid na babae na sa Amerika na naka-base.
Wala na umano siyang komunikasyon sa kanila sa loob ng dalawang taon. Ang tanging link lamang niya sa kanila ay sa pamamagitan ng kanyang nanay-nanayan na si Maria.
Tulad ng mga kasamahan niya sa Picture Flawless, umaasa si Serafin na siya’y papalarin na maisakatuparan ang kanyang mga pangarap.
* * *
Gaano man ka-late, Salve A., gusto kong pasalamatan ang That’s Entertainment alumnus, ang mahusay na TV host ng All The Way ng TV5 na si Jojo Alejar dahil ito ang nag-host sa debut ng anak kong si Aila Marie Reyes nang walang hininging kabayaran kundi ang kanyang pagpapahalaga sa isang matagal nang kaibigan.
* * *
Kung tama ang aming nasagap na impormasyon, sa buwan ng Abril ang re-launching ng TV5 na nasa bagong pamunuan na. Determined umano ang bagong kumpanya na nasa stewarship na ngayon ng business tycoon na si Manny Pangilinan na palakasin nang husto ang dating TV network ni G. Edward Tan. Aware pareho ang ABS-CBN at GMA 7 management na marami sa kanilang mga talents ang nilalatagan ng mga tempting offers para lamang lumipat sa TV5.
Speaking of TV5, bakit kaya hindi i-consider ni MVP si Bb. Kitchie Benedicto na siyang mamahala sa programming o production ng TV network dahil sa kanyang expertise? After all, si KB lang naman ang nagpalago noon ng IBC-13, RPN-9, at BBC-2.
* * *
- Latest