Gabby takot maudlot ang pelikula nila ni KC
Hindi naman ipinagkakaila ni Gabby Concepcion na bago naging sila ni Sharon Cuneta ay si Jackielou Blanco ang nililigawan niya noon. At may boyfriend na ito, si Albert Martinez.
“Magkakaibigan kaming lahat noon. Hindi ko alam na may namamagitan na pala sa kanila. Wala rin akong alam kung gaano na kaseryoso ang relasyon nila nun.
“I believe na may mga bagay na destined mangyari. Kung hindi para sa iyo, hindi mo mapipilit. With Sharon I would say just let nature take its course. Siguro hindi talaga destined na maging kami ni Jackielou kaya naging friends lang kami. Never kong inisip na magiging kami ni Sharon. There was no way na magkakakilala kami nun, nagkapelikula lang kami. Tadhana ang gumawa ng paraan para magkita kami,” kuwento ni Gabby na hindi rin pala binalak mag-artista noon. “Nung bata ako, ang gusto kong magawa eh maging dentista, piloto o real estate agent. Tatlo lang, yung showbiz wala talaga sa listahan ko. Yung dentistry hindi ko na natuloy dahil naging busy ako sa showbiz. Yung pagiging pilot, hindi puwede kasi I’m color blind. Yung pagiging real estate agent, nagawa ko lang after showbiz. Tulad ng relasyon namin ni Sharon destiny din ang nagdikta.”
Dahil his stint in Dahil May Isang Ikaw ay magwawakas na sa linggong ito, may nagawa na siyang kasunod nito, ang Kung Tayo’y Magkakalayo na kung saan dalawa muli ang ka-partner niya (Sa Dahil… present siya ni Chinchin Gutierrez at past ni Lorna Tolentino), sina Kris Aquino at Maricar Reyes.
Isa siyang NBI agent dito who has dedicated his life saving the lives of other people. Yun nga lang, bigo siyang mailigtas ang kanyang asawa sa kamatayan.
“Frustrated ako sa pag-ibig. Makakahanap ako ng bagong pag-ibig pero sa buhay ko parang mauulit lang yung mga nangyari lalo na sa pag-ibig.
“This is not my first action project. Nakagawa na ako ng mga action movie nun, with Rudy Fernandez, Bong Revilla and Phillip Salvador, ngayon lang naulit.”
Dahil matagal din siya bago nakabalik sa pag-aartista, medyo nanibago siya. Itinuturing niyang pinakamatitindi niyang acting workshop ang Iisa Pa Lamang, Dahil May Isang Ikaw at ang pelikulang I Love You… Goodbye. After these projects plus his appearance in Maalaala Mo Kaya masasabi niyang nasa acting shape na naman siya.
Gabby hopes to do a film with daughter KC Concepcion.
“Sana matuloy kasi marami ang humihiling. Dream come true para sa akin ito. Pagtanda ko, at least maipapakita ko sa mga apo ko na nakagawa ako ng isang magandang pelikula kasama si KC,” sabi niya.
* * *
Talaga sigurong nakalinya sa isang matagumpay na programa ang tandem nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza, at Vice Ganda. Kasing saya pa rin ng Showtime ang pansamantalang kapalit nito na Magpasikat. Although ang mechanics ng contest is the same as the suspended show, dahil may mga judges pa rin na humuhusga, may mga nagmamanok na sa mga celebrity contestants. It doesn’t matter kung hindi masyadong preparado ang mga lumalabas, appreciated mo na rin ang pangyayaring biglaan ang pagsalang nila pero makaraan lang ang dalawang araw, nagiging relax na ang show.
- Latest