Albert at Liezl magpapakasal uli sa Vatican
Base sa last test ni Liezl Martinez, negative lahat sa nilalabanan niyang cancer. Ayon kay Albert Martinez : “May battle pa rin si Liezl but so far, everything is looking good. Based on the last test, negative lahat and we thank God for that. Still we would ensure that she will have her regular check up just to make sure na wala nang maliliit na cancer cells that will cause discomfort anytime. But as we speak, everything is clean,” sabi ng actor na kasama sa malapit nang ipalabas na Kung Tayo’y Magkakalayo sa ABS-CBN.
Sa rami ng kanyang trabaho, may time pa kayang samahan ng aktor ang asawa sa pagpapa-check up? “As much as I can, I go with her sa check up pero kapag malayo ang location ko, my mother or any of my kids accompany her sa hospital. Sometimes her friends sinasamahan siya,” say ni Albert na nakakagulat na 50 anyos na pala pero mukhang bagets pa.
Nagpaplano rin silang mag-renew ng wedding vows sa Vatican City. “It will be our 25 wedding anniversary. We want to renew our vows. Naisip namin instead of spending much for a big party, why don’t we and the kids go to Rome. Mas solemn na kaming family lang. I think I need to bond with my children because they’re growing up,” paliwanag niya na kaya pala nanatili ang pagiging bagets looking ay dahil sa mga natutuhan niya sa beteranong aktor na si Eddie Garcia. “I work out regularly, I do mountain biking and I watch what I eat. I take as much vitamins as possible. I don’t smoke, I would drink, pero social lang. I don’t entertain stress and negativity. Important also to keep a positive outlook in life.”
Regular din daw siyang nagpupunta sa Belo Clinic para sa regular facial na feeling niya ay kailangan sa trabaho. “As an actor, I believe it’s my responsibility to my audience to look good. Ten to 20 years ago, taboo sa mga lalaki ang pagiging metrosexual. Ngayon, kailangan na. Kung hindi baka puro lolo na lang ang roles ko,” sabay tawa ni Albert na character ni Frank, asawa ni Celine (Kris Aquino) ang gagampanan sa Kung Tayo’y Magkakalayo.
* * *
Ayan, sa pagmamagaling ni Rosanna Roces sa Showtime nang mag-judge siya, suspendido ang nasabing programa nina Vhong Navarro at Anne Curtis.
Lunes pa lang last week, inireklamo na agad siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang magbanggit siya ng hayop at demonyo sa ere.
Sa order na inilabas ng MTRCB, nakasaad na agad na may nag-file na special agents ng MTRCB tungkol sa mga salitang sinabi ni Rosanna sa ere: ‘While performing our monitoring chores on 04 January 2010, the undersigned Special Agents of the Monitoring & Inspection Unit have monitored/noted a comment of Ms. Rosanna Roces in the show Showtime wherein she reacted to her co-judge Vice Ganda’s comment ‘‘pagkatapos ng paghihiwalay, hinete agad ang ipinalit mo’’ then Ms. Rosanna Roces replied: ‘‘Oo, kaso di ka boses ni Ira Herrera sa race call, pero nag-enjoy ako. Walanghiya ka talaga, hayop ka, demonyo ka. Huwag kang ganoon, nangbubuko ka ever, di ka naman maganda, Vice Ganda lang pangalan mo.” in probable violation of Sec. 3(c) of P.D. No. 1986.’’
After nang naunang reklamo, nagpadala ng sulat ang nasabing ahensiya sa Dos : subject Incident Report Re : Showtime.
Martes ay medyo natahimik si Rosanna sa pagiging hurado sa nasabing programa pero, umariba na naman siya noong Miyerkules. Na-monitor uli sila ng MTRCB Special Agents kaya muling nagpadala ng sulat ang MTRCB.
‘‘While performing our monitoring chores on 07 January 2010, the undersigned Special Agents of the Monitoring & Inspection Unit have monitored/noted a comment of Ms. Rosanna Roces in the show SHOWTIME, as follows: ‘‘Murahin mo yong teacher mo. Ako minura ko yong teacher ko nung hindi niya sinagot sa akin yan. Oo, walanghiya yang mga teacher na yan, hindi sinasabi ang totoo sa atin,’’ in probable violation of Section 3(c) P.D. No. 1986 and its implementing rules and regulations.’’
Maraming nag-react sa sinabing yun ng dating bold star at ikinairita lalo na ng mga nanonood na teachers.
Balitang nag-apologize si Rosanna sa ginawa niya at the following day, Thursday, hindi na siya nag-apir sa programa. Bahagi ng order : “WHEREFORE, to preserve the status quo prior to 04 January 2010 and to prevent further probable violation of pertinent provisions of P.D. No. 1986, a PREVENTIVE SUSPENSION ORDER is hereby issued against the television program Showtime Live! prohibiting it from further television broadcast for a period of twenty (20) days effective immediately. For this purpose, the corresponding permit to exhibit previously granted to the said television program is hereby cancelled.”
Signed : MTRCB Chairman Ma. Consoliza Laguardia.
Inisip nilang ang Kanto Boys ang ipalit sa programa, pero hindi pumuwede ang tatlo na sina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at Billy Crawford. Si Vhong lang ang puwede na original host ng suspendidong programa.
Anyway, narito naman ang official statement ng ABS-CBN sa preventive suspension ng MTRCB sa nasabing programa.
Sa ngalan ng self-regulation, minabuti ng ABS-CBN na tanggalin si Rosanna Roces bilang hurado sa programang Showtime matapos nitong magbitaw ng pahayag laban sa co-judge nitong si Vice Ganda sa live episode ng programa noong January 4 at mga guro noong January 7. Sa kabila nito, nagpataw pa rin ng 20-day suspension ang MTRCB.
Ang preventive suspension ay isang aksyon para pigilan ang iba pang maaaring maging paglabag, kung mayroon mang naging paglabag, para na rin sa interes at kapakanan ng publiko. Kaya naman kinukuwestyon ng ABS-CBN ang ipinataw na preventive suspension sa programa gayong tinanggal na si Rosanna.
Ang Showtime ay isang programa na nagbibigay aliw sa maraming manonood. Nagpapamalas ito ng pagkamalikhain at talento ng mga Pilipino sa ibat ibang bahagi ng bansa. Nagpapasaya ito sa maraming tao at nagbibigay ng pagkakataong mabago ang buhay ng mga Kapamilya.
Siguradong makakatulong ang nasabing suspension para lumakas pa ang nasabing programa. Pero siguradong maraming malungkot na nagpaplanong sumali sa nasabing programa particular na ang mga nanggagaling pa sa mga probinsiya.
- Latest