^

PSN Showbiz

Kung'di seryosohin ng fans Aljur at Kris dapat sisihin sa pagpapantasya

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Pasintabi muna ako kay Tita Emy Abuan, publicist ng Solar Entertainment na isa rin sa mga kapwa ko mahal na manunulat.

Isa sa mga dati kong katrabaho sa isang AM radio station works for Mr. Wilson Tieng’s Solar company, na siya ring nag­prod­yus ng pelikulang Wapakman, an entry to last year’s Metro Ma­nila Film Festival (MMFF). Mismong ang pamunuan na rin ng festival came up with the figures in terms of its box-office returns all through­out the two-week commercial exhibition: P2.6 million lang ang kinita ng Manny Pacquiao movie.

Given the figures, obviously na kulang pa itong pambayad sa mga artistang lumabas sa pelikula. Personally, I know of one cast members na hindi pa fully paid for services rendered even after the duration of the festival.

The Solar company staff member, however, has a reason to complain. Hindi kasi naibigay sa kanila ang kanilang Christmas bonus, na dapat sana’y magiging katas ng kikitain ng Wapakman. Pero nagbigay naman aniya ng konsuwelo ang Solar, babawi na lang ito sa kikitain ng Pacman-May­weather, Jr. fight na nauna nang ikina­sa sa March 13, only to know na hindi na matutuloy ang naturang sagu­paan!

Kunsabagay, under the Labor Code of the Philippines, nasa dis­cre­tion na lang ng anumang kumpan­ya ang pagbibigay ng bonus. At sa pun­tong ito, walang pana­nagutan si Mr. Tieng sa kanyang mga em­ple­yado.

* * *

Both Aljur Abrenica and Kris Bernal should plead guilty kung hindi man sine­ser­yoso ng publiko ang kanilang real-life romance, pareho naman kasi silang “indiscreet” with their respective lovelives.

Isang halimbawa na lang ang mga lara­wan ni Kris taken with her alleged boy­friend, si Aldred Gatchalian ng taga-Pinoy Big Brother. Bagama’t may mga ka­i­bigan din silang nakunan, the fact re­mains that while Kris is enjoying her time ay ganoon din si Aljur with his real-life sweetheart.

In effect, paano madya-justify na nasa ligawan stage na sina Aljur at Kris, such is the publicity peg to hype their telefantasya, gayong isang mali­wanag namang fantasy ang namumuo kuno sa kanila?

* * *

Strictly no media coverage ang idinaos na kaa­rawan ni Gab a.k.a. Budoy noong Linggo siyem­pre thrown by the Revilla family. Hindi ’yon dahil sa vio­lation of child’s rights, nakiusap lang tala­ga ang mga magulang nitong sina Jolo Re­villa at Grace Adriano na huwag nang gawing karnabal ang okasyon.

Maganda sanang antabayanan kung sisiputin o sinipot ’yon ni Rosanna Ro­ces na nitong nakaraang holiday sea­son pa nag­ma­marakulyo dahil ipi­nag­kait umano ng sariling anak ang kan­yang paboritong apo.

Yes, si Grace na ngayon ang ob­ject of anger ni Osang na nali­his mula kay Jolo at sa pamilya nito. Shades of Amalia Fuentes na kailangan pang idaan sa media ang dapat sana’y usaping pinag-uusapan at nireresolba na lang sa tahanan.

ALDRED GATCHALIAN

ALJUR

BOTH ALJUR ABRENICA AND KRIS BERNAL

FILM FESTIVAL

GRACE ADRIANO

JOLO RE

LABOR CODE OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with