^

PSN Showbiz

Pinagbintangang tumangay sa mana ng ama pumalag kay Sharon

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Kung bakit bukod tanging ang inyong lingkod ang tinawagan ng pinagbibintangan ni Sharon Cuneta na umano’y tumangay sa kanilang mana is a matter of “personal and geographical pro­ximity.”

Naging promo hype ng Mano Po 6 ang mala­king sama ng loob ng megastar sa pinagkatiwa­laang tao ng kanyang nasirang ama, dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, believed to have allegedly robbed them of their inheritance money.

Partikular na inalmahan ng taong ‘yon ang terminong ginamit ko na “culprit” dito sa PSN when I got a call from the maligned person himself. Not proven guilty of the crime, why the label?

Simple lang ang nais iparating ng taong ‘yon : hindi manang materyal ang iniwan sa kanya ng tatay ni Sharon, kundi mga sikreto that they had so well preserved sa loob ng dalawampu’t pitong pagsasama nila as mayor-bodyguard.

What inheritance money raw is Sharon talking about, gayung may ilang ari-arian na raw ang naipamana ng ama nito sa kanya at sa kanyang ina even before his death? If at all, di sana’y may pormal nang asuntong isinampa sa kanya, but 12 years have passed, not a single case of whatever nature has been filed in court.

Pag-aanalisa ng aking kausap, nagamit siya sa filmfest movie ni Sharon, and it served its purpose dahil nagwagi ngang best festival actress ang megastar. Since it’s electoral season once again, ramdam ng aking source—who’s running for a local post—the same charges will be leveled against him.

But here’s wishing na matapos na ang usaping ito. Let peace reign… let peace reign daw, o!

* * *

Bisperas ng Pasko ‘ yon last year, nagpadala through a messenger ng paella ang isang kontrobersiyal na aktres sa pamilya ng dating TV director-boyfriend. Wala ng mga sandaling ‘yon ang guy, tanging ina nito ang nakatanggap ng regalong pagkain.

From the gym workout ay dumiretso na ng bahay si direk, binungaran siya ng talak ng kanyang madir. “O, tingnan mo, ang kapal talaga ng mukha ni (pangalan ng kanyang ex-girlfriend), nagpadala pa ng paella!”

Kinal­ma siya ng anak, tutal naman daw ay Pasko kung kaya’t pagsaluhan na lang nila ang masarap na putaheng ‘yon.

Bisperas naman ng Bagong Taon, pero nagtrabaho pa rin si direk, hindi alintana na maghihiwalay ang taon nang hindi niya kapiling ang pamilya. Isang staff niya ang nagdayalog, wala raw man lang ba silang torotot para salubungin ang 2010?

Sagot ni direk: “Bakit kailangan pa ng torotot? Eh, nu’n pang September ako tinorotot!”

Kailangan pa bang hulaan kung sino sila?

* * *

PERSONAL : Sa mga parokyano niya sa showbiz, ang mahusay na make-up artists na si Cesar Layno ay lumipat na sa Sir George Salon sa Timog, Quezon City. For inquiries, call 3745471 or 09212237397… Also happy reading to PSN suki Mac John Laranang of Tagum, Davao.

BAGONG TAON

BISPERAS

CESAR LAYNO

GEORGE SALON

MAC JOHN LARANANG

MANO PO

PABLO CUNETA

PASAY CITY MAYOR

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with