Ampon ni Mega dala-dalawa ang yaya
Nakita ng isa naming kaibigan ang baby boy na ampon nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan nang dalhin ni Mega sa ABS-CBN ang bagets noong Friday kasama ang dalawang yaya. Tingin ng friend naming nakakita sa baby, mga two months palang si baby Miguel.
Matagal nang gustong mag-ampon nina Sharon at Sen. Kiko ng baby boy dahil puro girls ang kanilang mga anak.
* * *
Bukas na ang presscon ng nurserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na Habang May Buhay at ibig sabihin, malapit na ang airing nito. Ang tagal nang hinihintay ng fans ng aktres na muli siyang mapanood ng regular sa TV, kaya feel namin ang excitement at tuwa nila.
Dahil bukas lang uli haharap sa presscon si Judy Ann, siguradong maraming itatanong sa kanya ang press na hindi lang tungkol sa sisimulan niyang soap. Maiintindihan naman siguro ng Channel 2 kung pati ang hulang magbubuntis ang aktres ngayong taon ay itanong sa kanya.
Babae raw ang magiging anak nila ni Ryan Agoncillo at pati kung kailan siya magsisilang ay hinulaan din. Kundi November 2 ay sa November 3 daw siya manganganak.
Pagre-reakin din namin si Judy Ann sa offer ng GMA 7 sa mister niyang si Ryan. Maraming shows ang inilatag kay Ryan pumirma lang ng one year exclusive contract. Type kaya ni Judy Ann na kung Kapamilya siya’y magiging Kapuso naman ang kanyang mister?
* * *
Nabasa ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang item namin tungkol sa pagtawag diumano ng anak na si Gab Valenciano na disgusting ang press dahil sa mga nasulat sa break-up nila ni Rachelle Ann Go. Agad nitong tinawagan si Gab para pag-reakin kahit nagsu-shoot ng bagong TVC for a new endorsement. Love ni Gab ang press at sure si Angeli na ‘di nito iisipin at tatawaging disgusting ang grupo namin.
Ayon kay Gab, hindi ang press kundi ang common friends nila ni Rachelle ang tinawag niyang disgusting. Hindi pabor kay Gab para kay Rachelle ang mga taong ito at sila ang nagbalita ng involvement daw ni Gab sa ibang girls habang on pa sila ni Rachelle.
Not true raw na nakitang nakipag-holding hands si Gab sa ibang girl sa Eastwood dahil that time na nakita raw siya, nasa Davao siya for a show. Saka, wala raw relasyon sina Gab at Carmen Soo at break na sina Gab at Rachelle nang matsismis sina Gab at Carmen.
For the record, si Rachelle raw ang nakipag-break kay Gab dahil na rin siguro sa mga maling balita na ipinaparating sa kanya. Successful ang mga taong gusto silang sirain ni Rachelle.
Samantala, ibinalita ni Angeli na si Gab ang nag-arrange ng production number nina Sharon Cuneta at Gary Valenciano sa birthday concert ni Mega sa Araneta Coliseum sa January 12. Ang mga kanta ni Gary na Hataw Na at Shout For Joy ang kakantahin ng dalawa.
* * *
Sa part two ng Bakasyonistas episode ng Dear Friend, may rule sina Tracy (Sheena Halili), Mia (Ryza Cenon) at Gina (Isabel Oli) na ‘no boys’ sa kanilang bakasyon. ‘No serious relationship’ naman ang rule nina Alex (Mark Herras), Aaron (Rainier Castillo) at Troy (Chris Cayzer) at i-enjoy lang nila ang bakasyon.
* * *
I-introduce na ni Sen. Bong Revilla this Sunday ang anak na si Rams Revilla bilang pansamantalang kapalit niyang host sa Kap’s Amazing Stories. Si Rams at si Jayda Avanzado na anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ang magho-hosts ng show habang nangangampanya si Bong at tatawagin muna itong Kap’s Amazing Stories Kids’ Edition.
No offense meant kina Bryan at Jolo Revilla, pero si Rams ang pinaka-guwapo sa mga lalaking anak nina Bong at Lani. Chickboy tiyak ang bagets paglaki.
- Latest