Naghahanap na ng lalaki
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin, pang-limang pelikula na yata kasi ng Star Cinema, na namamatay ang isa sa mga bida dahil nasagasaan. Wala na ba raw ibang paraan?
Hindi pa nalilimutan ng lahat ang naging kapalaran ni Luis Manzano sa In My Life. May sakit siya sa nasabing pelikula, pero hindi siya namatay sa sakit, kundi sa pagbaba niya ng taxi sa New York, ayun nasabitan siya ng truck, dead ang character niya.
Heto na naman, hindi na naman matanggap ng maraming fans ni Derek Ramsay na pinatay din siya sa I Love You…Goodbye. Nasagasaan din.
Meron ding isang pelikula sina Vhong Navarro at Toni Gonzaga, ganundin ang naging kapalaran ni Vhong.
Actually, nalimutan ko lang, pero meron pang dalawang pelikula na may ganun ding eksena.
Sana naman sa mga susunod nilang pelikula, wala nang ganung eksena.
* * *
Hindi maka-move on ang mga nakarinig sa sinabi ni Charice Pempengco – na ang kanyang wish for 2010 ay makakita siya ng lalaki na totoong magmamahal sa kanya kahit superstar na siya.
Naloloka sila dahil una, ’di ba bata pa itong si Charice para magka-boyfriend at pangalawa, nagtatanungan sila kung superstar na ba ang status ng career niya?
Well, in terms of career, in fairness, naka-rubbing elbows na niya ang mga bigating singer sa Amerika.
Pero hindi naman siya superstar noh.
* * *
Hindi na pala nagkita sina Dingdong Dantes and Rhian Ramos after ng Stairway to Heaven. Matunog noon ang issue na malaki ang selos ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera kay Rhian na never namang inamin ni Marian.
Pero for Rhian, non-issue na ang kuwento nang maka-tsikahan siya sa victory party ng Ang Panday last Friday.
In fact, say niya, willing siyang makatrabaho si Marian kung sakaling magkaroon ng chance. “Okay lang naman lalo na’t hindi pa kami nagkakatrabaho,” sabi ni Rhian.
Anyway, kasama si Rhian sa pelikulang No. 1 sa katatapos na Metro Manila Film Festival ’09. Kaya lang, namatay ang character niya, eh sure na meron na itong part two. Gagawan naman daw ng paraan para makasama uli siya.
- Latest