^

PSN Showbiz

Kris nasobrahan ng diet; Pagbubuntis ni Krista pick-up lang sa blind item

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natensiyon ako habang pinapanood ko kahapon sa studio ng Startalk ang flash report tung­kol sa prusisyon ng Mahal na Nazareno sa Quiapo.

Oras ang itinagal ng prusisyon, hitsurang malapit lang ang distansiya ng Quirino Grandstand na pinanggalingan ng imahe ng Nazareno, papunta sa Quiapo Church.

Libu-libong tao ang nakita ko na pawisan, nagsisiksikan, at nagkakasakitan pero ayaw nilang magpaapekto. Nakikipag-unahan sila na makalapit at mahawakan ang imahe ng Nazareno. Kakaiba talaga ang debosyon ng mga Pinoy sa patron saint ng Quiapo Church.

* * *

Inggit na inggit ako kay Joey de Leon dahil nakapagsimba siya sa Vatican Church noong Dec. 24 at mismong si Pope Benedict XVl ang nagmi­sa.

Hindi lang ’yon, nakunan ni Papa Joey ng video ang pagsugod ng isang babae sa Santo Papa.

Ang linaw-linaw ng kuha ni Papa Joey dahil halos magkalapit sila ng puwesto ng babae na napatunayan na may sira sa ulo.

Exclusive ang video ni Papa Joey na ipinalabas kahapon sa Startalk. Sariling video niya ’yon, iba sa mga footages na ipinalabas noon sa CNN at BBC.

Ipinagmalaki rin sa akin ni Papa Joey na naranasan niya at ng kanyang pamilya ang matinding snow sa airport ng Milan.

Na-witness din nila ang pagbubukas sa Dubai ng pinakamataas na building sa buong mundo. Mula sa Italy, may stopover sa Dubai ang pamilya ni Papa Joey dahil doon sila sumakay ng eroplano, pabalik sa Pilipinas.

Unforgettable kay Papa Joey at sa kanyang pamilya ang kanilang pagbabakasyon sa Europe dahil sa kanilang mga kakaibang karanasan.

* * *

Sumobra naman pala talaga ang pagda-diet ni Kris Bernal kaya napagbintangan siyang anorexic.

Mula sa timbang na 115 lbs., naging 90 lbs. ang bigat ni Kris. Talagang magbabago ang kanyang physical appearance at mapagka­kamalan nga siyang may sakit na anorexia nervosa.

Sinabi ni Kris na kumakain na siya ng marami para madagdagan na uli ang kanyang timbang para matigil na ang mga malisyosong balita tungkol sa kalusugan niya.

I’m sure, may nagsabi na rin kay Kris na hindi bagay sa kanya ang sobrang kapayatan kaya stop muna ang diet niya.

* * *

Idinenay ni Krista Ranillo ang tsismis na buntis siya at siguro naman, matitigil na ang balita na hindi nagugustuhan ni Jinkee Pacquiao.

Sa totoo lang, may nabasa akong blind item tungkol sa isang controversial actress na buntis daw, pero blind item ’yon.

Ang ginawa ng ibang mga reporters, pinangalanan nila ang blind item. Si Krista anila ang controversial actress. Si Krista lang ba ang kontrobersyal na aktres? Ang dami-daming controversial actress huh!

Aral ’yan sa ibang manunulat, kung may blind item kayo na nabasa, mag-research muna. Huwag magpadalus-dalos sa pagbibigay ng pangalan para hindi kayo malagay sa alanganin na sitwasyon.

* * *

Dalawa ang magpapaalam mamaya sa StarStruck. Live na mapapanood sa GMA 7 ang tanggalan portion kaya iniimbitahan ko ang lahat na manood.

Kabadung-kabado na ang mga finalists ng StarStruck dahil sa ayaw at gusto nila, may mga magpapaalam sa kanila.

DUBAI

JINKEE PACQUIAO

JOEY

KRIS BERNAL

KRISTA RANILLO

NAZARENO

PAPA JOEY

QUIAPO CHURCH

SI KRISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with