^

PSN Showbiz

Doble ang katatakutan

-

MANILA, Philippines - Noong 2007, naging blockbuster hit ang The Mes­sengers­ - isang nakakikilabot na pro­duk­siyon mula sa Ghost House Pictures ni Sam Raimi (producer ng The Grudge Trilogy, direktor ng Drag Me to Hell). Ang tagumpay nito ay bu­nga ng mga nakapaninindig-balahibong mga ek­sena, outstanding na cinema­to­graphy, at mahu­say na pagganap ng mga artista nito na kinabi­bila­ngan ng Hollywood teen star na si Kristen Stewart (Bella ng Twilight).

Ngayong 2010, sa pinaka-aabangang prequel na peli­kula ay mapapanood na, ang Messengers 2: The Scarecrow. Dito mabubunyag ang ku­wento sa likod ng karakter ni John Rollins, ang taong naghasik ng lagim sa The Messengers.

Sa pelikulang ito, makikita si John Rollins na des­perado sa kanyang misyon na maisalba ang kanyang nasisirang lupaing pansaka. Sa kanyang paghahanap ng solusyon, nakakita siya ng kakaibang scarecrow at ito ay itinayo niya sa gitna ng kanyang lupain. Ngunit ang panandaliang gin­hawa ay napalitan ng mga ka­ba­balaghan… mga kababalaghang unit-unting gu­mugulo sa matino n’yang pag-iisip. Bunga nito, nag-iba ang kan­yang pakikitungo sa kanyang pamilya na sa ban­dang huli’y nauwi sa isang madugo at naka­pangingilabot na katapusan.

Agad nagustuhan ng direktor na si Martin Bar­ne­witz ang storyline ni Todd Farmer, na siya ring su­mulat ng The Messengers. Minsan nang nanalo ng Best Short Film para sa pelikulang Glimpse of Dark­ness noong 2004, sinabi ni Direk Barnewitz na “horror films become more scary once a connection to something real has been made and if the characters have something emotional at stake.” Ang katangiang ito ay nakita niya sa Messengers 2 : The Scarecrow.

Binati rin ng direktor ang pagganap ng kanyang mga artista. Una na ang performance ni Norman Ree­dus bilang John Rollins. Lubos na inilagay ni Reedus ang kanyang sarili sa karakter ni Rollins. 

Tiniyak ni Barnewitz na talagang masisindak ang mga manonood sa mga eksena ni Reedus sa pelikula. Ang pagganap naman ni Heather Stephens bilang Mary Rollins, asawa ni John, ay pinuri rin niya. Ayon kay Barnewitz, “she gave a lot of warmth and life to the character. The contrast between the more emotional and extrovert wife and the introverted, brooding husband worked well. They bounced off each other and their performances came to life.”

Taglay ang mga elemento ng The Mes­sen­gers, tulad ng solid plot, creepy tone, at credible acting, tiyak na kikilabutan ang mga manonood sa dobleng kilabot na dala ng Messengers 2: The Scarecrow. Ipalalabas   simula January 20. Ito’y handog ng Viva International Pictures.

vuukle comment

BARNEWITZ

BEST SHORT FILM

DIREK BARNEWITZ

DRAG ME

GHOST HOUSE PICTURES

GLIMPSE OF DARK

GRUDGE TRILOGY

JOHN ROLLINS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with