Paolo hindi na 'bading'
Matapos ang ilang taong pagkawala sa sirkulasyon ng local showbiz, dumating ng bansa si Princess Punzalan at naswertihan ng GMA 7 na makuha ang kanyang serbisyo para gumanap ng isang mahalagang role sa pinaka-una nilang fantaserye para sa 2010, ang The Last Prince na nagtatampok sa Royal Teen Couple ng Kapuso network, sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Masaya si Princess na mabalikan ang trabahong kanyang pinaka-mamahal at namiss niya. Bagaman at masaya siyang namumuhay sa Amerika kapiling ang kanyang mahal, madalas naaalala niya ang trabahong kanyang iniwan dito. Mabuti na lamang at madalas siyang makuha sa mga proyekto na dun ginagawa sa US katulad nung ika-18 anniversary ng Maalaala Mo Kaya na pawang mga istorya tungkol sa mga Pinoy na namumuhay na sa US ang mga kuwentong itinampok sa loob ng isang buwan.
Isang diwani si Princess sa bagong teleserye na nagtataglay ng kapangyarihan. Siya si Alwana, ina ng ubod-pangit na si Bawana (Bianca King) na kanyang pagagandahin para mapiling maging asawa ni prinsipe Almiro (Aljur), ang susunod na hari ng Paladino, isang kaharian na matatagpuan sa ibabaw ng ulap.
May ispesyal na roles sina Geoff Eigenman bilang prinsipe Javino at Carla Abellana bilang Sonia, ang mortal na doctor ng mga hayop na iibig sa prinsipe na siya sanang tagapagmana ng korona nang biglang naglaho sa kaharian ng Paladino,
***
Marami ang hindi nakakilala kay Rita Iringan nang ipakilala ito bilang isa sa cast ng The Last Prince. Pero nakuha niya ang pansin ng mga dumalong press dahil sa kasupladahan na ipinamalas niya habang papunta ng stage na kung saan pinatayo ang lahat ng cast ng serye.
Ubod ng suplada ang kanyang image na pinatingkad ng kanyang buhok na inipon lahat sa ibabaw ng kanyang ulo at nakataas na kilay.
Tuwang-tuwa siya nang punahin ito ng press na halos hindi siya nakilala. Nagulat na lamang sila nang sabihin niyang si Rita Iringan siya, dating miyembro ng grupong Sugar Pops at naging kampeon din sa singing contest ng GMA 7 na Pop Star Kids. Ibang-iba kasi talaga ang itsura niya nang gabing yun.
Fourteen years old na si Rita at gumaganap ng kontrabida sa The Last Prince. Hindi kayo maniniwala pero kontrabida siya ni Kris Bernal!
“Okay lang, very challenging ang role. Gusto ko rin sanang mag-start bilang part ng isang loveteam pero ito ang unang dumating kaya okay na rin. Kasama ko pa ang idol kong si Princess Punzalan kaya it makes the role doubly special. Na-starstruck nga ako nang una ko siyang ma-meet sa set,” pagtatapat niya.
Hindi naman kinakalimutan ni Rita ang kanyang pagkanta. Featured siya regularly tuwing weekends sa Enchanted Kingdom.
Crush niya sina Dennis Trillo, JC Tiuseco at Geoff Eigenman. Gusto niyang makatrabaho si Joshua Dionisio but since ka-loveteam na ito ni Barbie Forteza, masaya na siyang maging ka-love triangle sila sa screen.
***
For a change hindi naman bading ang role ni Paolo Ballesteros sa The Last Prince. Straight ang role niya bilang Anexi, ang alalay na makakasama ni Prinsipe Almiro na maglalakbay sa lupa. Isa siyang kuneho kapag nasa labas siya ng bahay.
Pang-apat na series na ito ni Paolo sa GMA7, ang unang tatlo ay ang Zaido, Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Twice a week ay napapanood siya sa Eat Bulaga, Martes at Huwebes. Napapadalas lamang siya kapag kulang ng tao sa show. Madalas, ipinadadala siya sa mga out of town shows ng EB.
Kamakailan ay ginulat niya ang mga viewers ng EB nang ipakita sa show ang kanyang one year old daughter. Akala kasi ng marami ay binata siya.
“Single pa naman ako kasi hindi naman kami kasal ng mom ni Kiera Claire (his daughter) who is working in Chicago. She came home just to attend the first birthday of Kiera Claire. When she’s abroad, our child stays with her lola, pero walang problema, madali ko siyang mahiram. We had a relationship when we were both in college in Baguio,” sabi niya.
***
After his successful stint sa Lovers in Paris, isang highly-charged drama ang muling pagbibidahan ni Zanjoe Marudo with Valerie Concepcion sa Maalaala Mo Kaya tonight.
Kuwento ng isang lalaking kinaliwa ang gagampanan ni Zanjoe, na siguradong pag-uusapan na naman. The past year saw his versatility as an actor, and this stint in MMK will definitely show yet another side of him.
- Latest