Anne natuwa para sa mga elepante
MANILA, Philippines - Maraming natuwa kahapon na hindi nila napanood si Rosanna Roces sa programang It’s Showtime. Maraming nairita sa kanyang avid viewers ng programa dahil nagmamagaling ito sa pagbibigay ng comment. At ang the height daw, nagmumura na hindi nga maganda sa pandinig ng mga nanonood ng programa. Eh ang lakas pa naman ng nasabing programa nina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Kim Atienza sa ABS-CBN kaya hindi magandang may mga masasamang salita na lumalabas sa hurado ng programa. Imagine pati mga teachers, nilait-lait niya.
Speaking of Anne, balitang nagpadala si Anne ng bulalak sa Embahada ng India para sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia sa Maynila para pasalamatan ang kanilang pamahalaan sa desisyon kamakailan lamang nitong pag-bawal sa paggamit ng mga elepante sa mga sirko at sa mga zoo. “Sa ilalim ng direksiyon ng Central Zoo Authority (CZA), ang mga napalayang elepante ay dadalhin sa mga sanktwaryo ng kanilang pamahalaan kung saan malaya muli silang makakalakad at makikipaglaro sa iba pang mga elepante,” ayon sa e-mail ng PETA.
Umaasa raw si Anne at ang PETA na ang pagsisikap na ito ng CZA ay ang magiging unang hakbang sa pagbabago ng mga patakaran ng mga zoo sa buong Asya. “Sa ngayon, may ilang mga zoo sa Europa at Hilagang Amerika ang nagpalaya o nasa proseso ng pagpapalaya ng mga elepante sa mga zoo.
“Natuwa ako nang marinig ko ang balita ukol sa desisyon ng India na alisin ang lahat ng elepante sa mga zoo at sirko at ilipat sila sa mga sanktwaryo,” sulat daw ni Anne para kay Ambassador Shri Yogendra Kumar. “Nakakalungkot, marami pang bihag na elepante—tulad ni Mali ng Manila Zoo—na tuluy-tuloy ang pagdurusa sa lubos na kalungkutan at pagkabagot. Lubusan akong umaasa na sana gayahin ng ibang mga bansa ang magandang halimbawa na inyong ipinakita.”
“Sa Manila Zoo, ang elepanteng si Vishmawali (o Mali) ay nabubuhay ng puno ng kalungkutan at kabagutan mula pa noong 1977. Dahil sa iisa lamang ang libangan ni Mali, ang isang maliit na languyan, nakikitaan na siya ng sakit sa kanyang pag-uugali. Madalas siyang nakikitang nakatayo lamang sa isang lugar kung saan ang kanyang nguso ay nakasayad sa lupa. Nakikita rin siyang naglalakad sa dulong bahagi ng kanyang kulungan at umaasang makalampas sa pader ng kaniyang kulungan. Nananawagan ang PETA sa mga zoo na ilipat na si Mali sa isang sanktwaryo sa lalong madaling panahon. Sa sanktwaryo, magiging masaya siya sa mahalagang pakikisama ng iba pang mga elepante at malayang lumibot at maghanap ng pagkain sa kagubatan,” sabi ng taga-PETA.
Wow, kinakarir na pala ni Anne ang malasakit niya sa mga hayop.
***
Aligaga si ‘Nay Lolit Solis sa pagkukuwento tungkol sa pagsi-share ng love nina Viva boss Vic del Rosario and philanthropist Pinky Tobiano, head ng Pinky Cares Foundation kasama ang Discovery Suites General Manager na si Jun Parreno Jr., noong Christmas season sa Golden Acres Home for the Aged SA Quezon City. Shocked daw ang tatlong sikat na personalidad na parang napapabayaan ng gobyerno ang mga matatanda sa nasabing Golden Acres Home na nangangailangan ng attention.
Seventeen years ago pa pala nang huling bisitahin ni Ms. Tobiano ang Golden Acres kaya nagsilbi itong guide kay Boss Vic. Kasama ring bumisita at panandaliang nagbigay ng aliw sa mga nasabing ‘tirahan’ sina Eva Eugenio at Victor Wood sa tulong pa ring big boss ng Viva.
Kasama rin nila ang baguhang singer na anak ni Victor, si Simon.
“It was truly a day of love, tears and giving. Boss Vic was so moved that he promised to make this an annual activity in Viva Entertainment’s move toward Corporate Social Responsibility (CSR) through the guidance of Pinky Cares Foundation,” kuwento ni Nay Lolit.(SVA)
- Latest