^

PSN Showbiz

Nakaaantig na pagtatapos

-

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes, siguradong luluha ang mga manonood sa nakaaantig na pagtatapos ng kauna-una­hang ChristmaSerye ng GMA Network, ang Sana Ngayong Pasko.

Ang Sana Ngayong Pasko ay pinangungu­nahan ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Ro­ces na gumaganap bilang si Remedios, ang ilaw ng ta­h­anan ng pamilya Dionisio na nawalay ng mata­gal sa kanyang pamilya matapos palayasin ng asawa dahil sa maling hinala.

Muling nagbalik sa kanilang tahanan si Remedios pero ang naging problema bukod sa hindi siya tang­gap ng panganay na anak na si Gordon (Christo­pher de Leon), nagkaroon siya ng sa­kit na senile de­mentia kung saan unti-unting nawawala ang kan­yang memorya.

Ang anak niyang si Fely (Gina Alajar), kahit noong una ay may galit kay Re­­medios, ang isa sa mga nagmahal at nagmalasakit sa ina. Ang bunsong anak naman ni Remedios na si Stephen (TJ Trinidad) ay puno ng pasasalamat da­hil nakaramdam ito sa wakas ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina mula nang dumating si Re­me­dios sa bahay. Ang mga apo naman ni Re­me­dios na sina Rigo (JC De Vera), Elaine (Maxene Ma­­ga­lona) at Jopet (Jacob Rica) tu­wang-tuwa na maka­sama ang kanilang lola.

Bukod dito, alamin kung matatang­gap ba ni Gor­don maging manugang ang nakakulong na si Bernie (JC Tiu­seco) para sa anak na si Elaine? At matapos ibigay ni Rigo ang isang organ para sa amang halos mag-agaw buhay, maging bukas na kaya ang isip ni Gordon sa mga kagustuhan ng anak? At si Pablo, ma­patawad pa kaya siya ng asawa? At isang milagro ba ang darating para gu­maling si Remedios?

Huwag palagpasin sa GMA Telebabad.

ANG SANA NGAYONG PASKO

DE VERA

GINA ALAJAR

GORDON

JACOB RICA

MAXENE MA

MS. SUSAN RO

NGAYONG BIYERNES

REMEDIOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with