^

PSN Showbiz

'Kulay' ng mga kandidatong presidente bawal na sa news department ng ABS-CBN!?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

True kaya na may bagong ‘batas’ ngayon na pinaiiral sa ABS-CBN News and Current Affairs deparment? Bawal daw magsuot ng yellow, green, and orange ang lahat sa nasabing departa­mento particularly ang mga anchor persons, reporters, and correspondents ayon sa isang source.

Ito ay para raw maiwasan ang issue ng pulitika dahil inaakusahan daw na may pinapaboran ang ABS-CBN News and Current Affairs - Yellow (Noynoy Aquino), orange (Manny Villar and Joseph Estrada) and green (Gilbert Teodoro).

At nag-reflect daw ito sa isang survey at pumasok na ang issue ng kredibilidad na ikinaalarma raw ni Ms. Maria Ressa, head ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Bawal na rin daw ang ibang t-shirt na may naka-drawing na mapa.

Meron din daw ngayon seven-member committee ang ABS-CBN na nagi-screen ng mga political ads na lalabas sa Kapa­milya net­work. Pero meron pa raw executive committee na puwedeng mag-overcome sa decision ng seven-panel com­mittee.

Hindi ko pa namo-monitor kung wala nang nagsusuot ng mga nabang­git na kulay.

Wait, baka may sagot sila sa kuwentong ito.

* * *

Kahit anong pilit, hindi bumigay si Papa Piolo (Pascual) na itaas ang kanyang shirt para patunayan na hindi niretoke ang kanyang pictorial sa Men’s Health Magazine (January issue).

Perfect ang abs ni Papa P. Six pack abs at ang ganda ng kulay ng balat niya. Parang yummy. Kaso sa picture mo lang talaga pag-iilusyunan dahil ayaw daw niyang ipakita sa may TV camera. “Saka na,” pakiusap ng aktor kaha­pon sa launching ng nasabing magazine.

Sayang kung ipinakita na niya, hindi na pag­du­dudahan na duma­an sa mahiwagang photo­shop ang kanyang mga photos na lumabas sa magazine na para sa kalalakihan.

May nagtanong kung nakita na ba ni KC Con­cepcion ang kopya ng kanyang latest pictorial at interview, hindi raw niya alam habang nata­tawa ang aktor.

Katawan niya ang come-on dito. “Ang panget, ka­ta­wan ang binibenta,” tatawa-tawang sabi uli ng aktor.

Anyway, busy ang 2010 para sa aktor. May pelikula siyang gagawin sa Star Cinema kasa­ma si Santino (Zaijian Jaranilla) at meron siyang MMK with Bea Alonzo. Gaganap siyang si Ninoy Aquino.

* * *

Ang suwerte-suwerte ng magka-loveteam na sina Aljur Abrenica and Kris Bernal. Ang bong­ga ng bago nilang prog­ramang The Last Prince. Sa media presentation pa lang, sobra na ang effort na ginawa ng GMA 7.

Kaya naman panay ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang home studio na sobra-sobra ang tiwala sa kanila.

Pero pansin na pansin ang sobrang kapa­yatan ni Kris Bernal na sabi niya ay dahil sa diet at gym.

Ang nangyari tuloy, pinagdududahan na may pinagawa siya sa kan­yang mukha. Pero hindi na bagay kay Kris. Parang wala na siyang nati­rang lakas sa katawan dahil sa sobrang ka­payatan.

Say ni Kris, magpapataba na siya. Dahil din sa ka­pa­yatan, imbes na pag nasaan siya ng ka­la­­lakihan, nawalan ng interes sa kanya. Pero parang gumanda ang mukha niya. Nawala ang umbok sa pisngi.

Kabaliktaran naman ang nangyari kay Aljur. Siya ngayon ang inii­lusyon dahil sa yummy­licious niyang katawan lalo na sa role niyang bagong prinsipe sa The Last Prince.

Interesting ang kuwento ng The Last Prince na magsisimulang mapa­nood sa January 11 pagkatapos ng Darna sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BAWAL

BEA ALONZO

GILBERT TEODORO

HEALTH MAGAZINE

KRIS BERNAL

LAST PRINCE

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with