^

PSN Showbiz

Ciara Sotto hindi na purple ang wedding gown

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naging mainit ang pagtanggap kay Princess Pun­zalan ng mga reporter na nagpunta sa press­con ng The Last Prince.

Matagal na nanirahan sa Amerika si Princess kaya na-miss niya ang showbiz at na-miss din siya ng kanyang mga kaibigan na reporter.

Si Princess ang kontrabida sa The Last Prince. Tinanggap niya ang role dahil maganda ito. Miss na rin ni Princess ang pag-arte sa harap ng kamera.

* * *

Kinakabahan sina Aljur Abrenica at Kris Ber­nal dahil masusukat sa Lunes ang lakas ng ka­ni­lang loveteam.

I’m sure, parehong ipinagdarasal ng dalawa na subaybayan ng fans ang kanilang fantaserye at mag-rate ito.

Mapapanood ang The Last Prince pagka­tapos ng Darna. Ililipat uli ng timeslot ang Full House nina Richard Gutierrez at Heart Eva­ngelista.

* * *

Kasali sa cast ng The Last Prince si Elvis Gu­tier­rez. Siya ang kontrabida sa buhay ni Al­jur.

Mahusay ang acting ni Elvis sa Patient X kaya nag-decide ang GMA 7 management na isa­ma siya sa cast ng The Last Prince.

Marunong umarte si Elvis dahil nahasa siya noong childstar pa siya. Magaling na childstar si Elvis noong araw. Mas sikat pa siya noon kesa sa kanyang mga kapatid na kambal (Richard and Raymond) na nag-umpisa rin ang showbiz career sa pagiging mga childstar.

* * *

Kulay puti ang wedding gown na isusuot ni Cia­ra Sotto sa araw ng kanyang kasal. Walang kato­tohanan na purple ang kulay ng wedding gown ng anak nina Tito Sotto at Helen Gam­boa.

Pero purple ang motiff sa pakikipag-isang dibdib ni Ciara sa kanyang fiance na hindi man artis­ta eh may kinalaman naman sa showbiz ang pamilya.

Si Ciara ang bunsong anak nina Helen at Tito. Knowing Helen, magiging emosyonal siya sa importanteng araw sa buhay ng kanyang anak. Hindi madali para sa isang ina na mawa­lay sa anak na bubuo na rin ng sariling pamilya.

* * *

Panoorin ninyo ang Startalk sa Sabado dahil nakunan ng aming masisipag na crew ang pag­da­ting ni Krista Ranillo sa Centennial Air­port.

Malinaw ang mga footage na hawak ng Startalk. Masasagot ng footage ang kata­nungan na naghihintay ng kasagutan, true ba na buntis si Krista? Watch n’yo ang aming show sa Sabado para sa tumpak na sagot!

* * *

May victory party uli ang GMA Films at Imus Pro­ductions para sa box-office success ng Ang Panday.

Patuloy na namamayagpag sa takilya ang pelikula ni Bong Revilla, Jr. kaya naisip ng mga produ na i-share sa press at sa buong cast ang kani­lang tagumpay.  

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG PANDAY

BONG REVILLA

CENTENNIAL AIR

ELVIS GU

FULL HOUSE

HEART EVA

LAST PRINCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with